• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CAMPAIGN PERIOD, NAGSIMULA NA

SIMULA na ang unang araw ng campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahapon Okt.19 na tatagal hanggang  Okt.28

 

 

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) , mayroong  1,414,487 aspirants ang inaasahang magsisimula nang mangampanya ngayong araw,Huwebes .

 

 

Kabilang dito ang 96,962 kandidato sa pagka-barangay captain; 731,682 para sa Sangguniang Barangay; 92,774 sa Sangguniang Kabataan chairman at 493,069 naman para sa SK council.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, pinapayagan lamang ang bawat kandidato na gumastos ng P5 kada registradong botante .

 

 

Mahigpit na paalala ng komisyon sa mga kandidato na bawal ang pamamahagi ng mga bagay na may halaga tulad ng ballpen, T- shirts, ballers, candy at iba pa dahil maituturing itong vote buying .

 

 

Bukod dito, pinayuhan din ng Comelec ang mga supporters na huwag magsusuot ng mga T-shirt na may larawan ng kanilang kandidato upang makaiwas sa diskwalipikasyon.

 

 

Sa pagsisimula ng kampanya, nagpaalala rin ang Comelec na maari lamang maglagay o magkabit ng mga campaign paraphernalias sa mga designated areas kaya naman nagtakda rin ito na maglunsad ng isang  nationwide “Operation Baklas“ simula Oktubre 20-27.

 

 

Ayon sa Comelec, tatanggalin ang mga campaign materials na hindi sumunod sa mga  ipinatutupad na panuntunan ng komisyon . GENE ADSUARA

Other News
  • Ads June 17, 2024

  • HERD IMMUNITY, MAAABOT HANGGANG SEPTEMBER

    KUMPIYANSA si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa September ay maaabot na ang “herd immunity” sa Maynila.   Ito ang pahayag ng alkalde ay pagkatapos makapagtala ng bagong record ang Manila LGUs  hinggil sa pagbabakuna sa loob lamang ng isang araw.   “We broke again our record of vaccines deployed and 95% of thet […]

  • HELPER UTAS SA SKELETAL TRAILER

    TODAS ang isang 27-anyos na helper matapos maipit sa pagitan ng isang skeletal trailer at motor pool steel post makaraan ang naganap na freak accident sa loob ng NCT container yard sa Caloocan city.   Binawian ng buhay si Darwin Naguit, ng Kamagong Street, Brgy. Sta Clara, Sta. Maria Bulacan sanhi ng tinamong pinsala sa […]