• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARA, nabigyan na nang pagkakataong maipakita na kayang makipagsabayan sa pag-arte

HATID ng Best Director ng Gawad Urian noong 2019 na si Denise O’Hara, ang isang nagbabagang adult drama na The Wife, na exclusive na mapapanood sa Vivamax ngayong February 11.

 

 

Pinagbibidahan ito ng mahusay na aktres na si Louise delos Reyes, kasama sina Diego Loyzaga at breakthrough star mula sa Pornstar 2, Hugas at Palitan na si Cara Gonzales.

 

 

Sa The Wife, nabigyan na rin ng pagkakataon ang baguhang sexy star ng Viva Films na maipakita na kaya rin niyang makipagsabayan sa pag-arte kina Louise at Diego. At hindi lang palaban sa pagsabak sa mga daring scenes na nagawa sa past movies niya.

 

 

Kaya masasabi niya na, “siguro ito na ‘yun biggest break para sa akin. Kasi dito ako na-challenge sa pagiging aktres ko. Lalo na ang kasabayan ko ay isang Louise delos Reyes.

 

 

“Ang dami kong naging improvement sa pag-arte, lalo na sa tulong ni Direk Denise.”

 

 

At dahil nga first time niyang maidirek ng ang isang female director, may kaibahan ba ang daring scenes na pinagawa sa kanya compared sa past movies?

 

 

“Siguro, ito ang pinaka-sweetest sa nagawa kong sexy scenes kaya nagpapasalamat ako sa direktor namin dahil maayos namin nagawa ni Diego.

 

 

“First time ko to be directed by a female director at mas nagustuhan ko ang paraan niya ng pagdidirek,” pahayag pa ni Cara.

 

 

Sa movie, gaganap si Louise bilang Mara, ang soft-spoken  asawa ni Cris (Diego). Masisira ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa nang mangaliwa si Cris at may mangyari sa kanila ng dating kasintahan na si Lee (Cara), isang agresibo at outspoken na babae, kabaligtaran mismo ng pagkatao ni Mara.   Pero habang nagsisikap ang mag-asawang maisaayos ang kanilang nasirang relasyon, si Cris naman ay natuklasang may cancer.

 

 

Sasalamin ang pelikula sa kung hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasamang mag-asawa sa kabila ng pagtataksil. At sa matapat na pagtupad sa sinumpaang magsasama sa sakit man o kalusugan, paanong tatanggapin ng asawa ang huling hiling na may kaugnayan sa naging babae ng kanyang mister?

 

 

Saksihan kung paanong magtutuloy ang kanilang kwento dito sa Vivamax Original movie. Mapapanood ang The Wife sa Vivamax sa February 11, 2022.

 

 

Para sa local subscriptions, pwedeng i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store, Huawei App Gallery, at App Store. Manood nang tuluy-tuloy sa Vivamax sa halagang P149/month at sa halagang P399 naman para sa tatlong buwang mas makakatipid. Ngayon, may mas sulit pang option, sa halagang P29 lang pwede nang makanood nang tuluy-tuloy sa tatlong araw!

 

 

Available din ang Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA. Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Debate ng mga kandidato, ipapaubaya sa entity

    SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na ipapaubaya nila sa anumang entity ang pagsasagawa ng debate ng mga kandidatura para sa 2025 elections.   Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi rin nila pipilitin ang mga magiging kandidato na makibahagi sa mga isasagawang debate.   Hindi rin aniya nila pakikialaman kung ano ang mga itatanong […]

  • Asawa na si Mikee, naglabas din ng saloobin: ALEX, piniling manahimik after na mag-sorry sa maling nagawa

    SI Lipa City Councilor Mikee Morada, ang humingi ng dispensa tungkol sa viral icing-smearing video involving his wife, Alex Gonzaga.      Sa kanyang personal facebook account:     “Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration.  Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais kong sabihin kung […]

  • Dela Pisa, Labanan dumale ng silver medal sa Budapest

    PAREHONG sumungkit ng silver sina national women’s artistics gymnasts Daniela Dela Pisa at Breanna Labadan sa kawawakas na Gracia Cup Budapest  sa Hungary.     Sang-ayon nitong Martes kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, ang partisipasyon ng dalawang atleta sa torneo nitong Pebrero 19-20, ang bahagi ng paghahanda nila para sa  […]