Carla, masayang-malungkot dahil apat na buwan na mahihiwalay kay Tom
- Published on May 25, 2021
- by @peoplesbalita
MASAYANG-MALUNGKOT ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa apat na buwan silang pansamantalang magkakahiwalay.
Almost seven years na together sina Carla at Tom at ngayon nga ay on-going ang wedding preparations nila sa isang classic style church wedding on October 21, 2021 sa Tagaytay Highlands, after nilang ma-engage last October, 2020.
Ibinahagi ni Carla sa kanyang YouTube vlog bakit sila pansamantalang maghihiwalay. Si Tom ay nagsimula na ng lock-in taping ng upcoming Kapuso drama series na The World Between Us at si Carla ay naka-schedule na rin ng one month lock-in taping sa Bataan para sa bago niyang serye, To Have and To Hold.
At dahil hindi nila alam kung kailan sila magkakasabay ng break, maaari raw tumagal ng four months bago sila muling magkasama.
“It’s going to be like that until September,” Carla added.
“It’s going to be the longest time we’ll be apart which is more or less four months. Kailangan ko rin munang tanggalin ang aking engagement ring. But that’s okay because pretty soon, I’ll get to wear that again and pretty soon, there will be a wedding ring along with the engagement ring.”
Sad man, pero masaya rin si Carla dahil sa kabila ng pandemic na pinagdaraanan natin ngayon, thankful sila ni Tom na pareho silang nagkaroon ng opportunities na magtrabaho, hindi man sila magkasama sa iisang show.
“We are thankful because, we get to continue to put food on our table, support our families and prepare financially, not just for the wedding but for our dream home. We’ll endure not seeing each other because it will be worth it and the important thing is we’ll get married after our shows.”
***
NATAPOS na ni Kapuso actress Sanya Lopez at ng cast ng First Yaya, ang lock-in taping nila, pero patuloy pa ring mapapanood ang romantic-comedy series gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.
Kaya ngayong haharaping naman ni Sanya ay ang taping ng Alamat ng Agila nila ni Bong Revilla na last Saturday, May 22, ay nagsimula na siyang napanood bilang si Maya Lagman.
Thankful si Sanya dahil sa magkasunod na proyekto niyang ginawa, matutuloy na raw ang renovation ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasing natapos ang construction ng bahay niya, na gift niya sa sarili niya, na ipinatayo niya mula sa mga kinita niya sa mga projects na ginawa niya sa GMA.
Pero may mga kailangan na raw siyang ipa-renovate, kaya ang gagamitin niya sa renovation ay ang talent fee niya mula sa Agimat ng Agila.
Ano kaya ang role na gagampanan ni Sanya sa buhay ni Gabriel Labrador (Bong Revilla)?
Kung sweet at mabait na Yaya Melody siya sa First Yaya, isang masungit na teacher si Maya Lagman sa fantasy-action drama series na napapanood tuwing Saturday, 7:15PM sa GMA-7 after Pepito Manaloto.
***
ANG real sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto na ang huling special guests nina Julie Anne San Jose at David Licauco, sa romantic-comedy series na Heartful Cafe.
May rigodon ng lovers ang serye dahil si Barbie sa story ay girlfriend ni David at si Jak naman ay nagkukunwaring boyfriend ni Julie. Paano magiging sina Julie at David at si Barbie naman at Jak?
Last four weeks na lamang ang Heartful Cafe na napapanood gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng First Yaya.
(NORA V. CALDERON)
-
‘Sonic the Hedgehog 2’, US Highest-Grossing Video Game Movie
SONIC the Hedgehog 2 has become the highest-grossing video game film ever at the US box office, surpassing the original Sonic the Hedgehog film’s gross. The sequel saw Ben Schwartz, Jim Carrey, James Marsden, and Tika Sumpter return to reprise their roles from the first film. The series is set to expand into television through Paramount’s Paramount+ […]
-
Pulong nina US VP Harris at PBBM nakatutok sa pagpapalawak sa security alliance, economic relationship
TATALAKAYIN din sa pulong nina Marcos Jr. at Harris ang paninindigan kaugnay sa international rules lalo na ang freedom of navigation. Siniguro din ng US Embassy ang commitment ng US Vice President na makipag tulungan ito sa Pilipinas para palawakin pa ang economic partnership and investment tries ng dalawang bansa. Umaasa […]
-
Tolentino ipapasok ang esports sa SEAG
KAPIT-KAMAY sina Philippine Olympic Committee (POC) President at Cavite Seventh District Rep. Abraham Tolentino at National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) President Ramon Suzara sa pagla-lobby sa Vietnam para manatili ang esports sa 31st Southeast Asian Games 2021. Ito ay matapos makahanap ng mapuwersang kaalyado ang POC sa pamamagitan ng Asian Electronic Sports Federation […]