Carlos Yulo itinuring na ‘most bemedalled athlete’ sa SEA Games
- Published on May 18, 2022
- by @peoplesbalita
NGAYON pa lamang itinuturing na most bemedalled athlete na ang Pinoy Olympian at dating world champion gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa nagpapatuloy na SEA Games doon sa Hanoi, Vietnam.
Liban kasi sa limang gold medals, meron pa siyang dalawang silver medals sa team at at parallel bars.
Sa mga atleta ngayon sa Vietnam si Caloy ang may pinakamaraming gold.
Ang Japan based na si Yulo, ay inaasahan na namang tatabo sa matatanggap na cash incentives batay naman sa batas sa Pilipinas.
Ang nanalo kasing atleta ng gold medal sa SEA Games ay mabibiyayaan ng P300,000, ang silver medal ay may nakalaang P150,000, habang ang bronze medal ay merong nag-aantay na P60,000 na cash incentive.
Sa inisyal na pagtaya nasa P1.5 million ang kanyang matatanggap sa limang gold medals at meron pa siyang premyo at percentage sa dalawang silver medals.
Napantayan ni Yulo ang swimming legend ng Pilipinas na si Eric Buhain (isa ng congressman ngayon sa Batangas) na nakasungkit din ng limang gold medals sa SEA Games noong taong 1991.
-
Nadal kampeon sa Barcelona Open
Nakamit ni tennis star Rafael Nadal ang ika-12th Barcelona Open title matapos na talunin si Stefanos Tsitsipas. Nakuha ni Nadal ang score na 6-4, 6-7(6) at 7-5 para tuluyang ilampaso ang Greek player. Dahil sa panalo ay inaasahan na aangat ang puwesto Spanish tennis star. Susunod sasabak ang 20-times […]
-
Pinay nag-silver sa archery
SUMBLAY si Shirlyn Ligue ng World Archery Philippines (WAP) sa 543 points old world record ni Claire Xie ng USA sa women’s 60-arrow, 18-meter category, pero sinapol ang silver medal sa bare bow category ng Online Indoor Archery Series sa nagdaang linggo. Kinapos lang ng isang puntos ang 30-anyos na grade school teacher […]
-
Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF
MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan. Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa ng iba’t ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus. Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang […]