Carly abala sa gym
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT hindi pa nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball dahil sa pitong buwang Covid-19, todo pakondisyon niya si Carlota ‘Carly’ Hernandez ng Marinerang Pilipina Lady Skippers.
Pinaskil sa Instagram story nitong isang araw, ang kondisyong porma at hubog ng katawan ng 21-anyos, 5-5 ang taas na dalagang taga-Sta. Rosa, Laguna sa isang hindi lang sinabing pangalan at lugar ng gym.
May gym equipments ginagamit ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) buhat sa FEU Lady Tamaraws para mapanatili ang kaseksihan.
Katulad ng ilang atleta, tutok din si Hernandez sa kanyang pagwo-workout para sakaling magbalik na ang liga’y hindi na mahihirapang maghabol sa kanyang wastong porma. (REC)
-
Donaire all-set na sa laban sa kapwa Pinoy boxer na si Gaballo
Nakahanda si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr sa pag-depensa ng kaniyang WBC-118 world title laban sa kapwa Pinoy na si Reymart Gaballo. Gaganapin ang laban ng dalawa sa Disyembre 11 sa Carson, California. Ito ang unang pagsabak ni Donaire ngayong taon matapos na hindi matuloy ang laban sana nito kay […]
-
Mayor Tiangco nagpasalamat sa DENR, San Miguel Corp. sa sustainable dredging program
NAGPASALAMAT si Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources at sa San Miguel Corp. sa pagsisimula nito ng sustenableng programa sa dredging. “Kailangan natin ang sustainable dredging program para masiguro na ang tagumpay na makakamit natin dito ay pangmatagalan at matatamasa ng mga susunod na henerasyon,” aniya sa kanyang talumpati sa […]
-
BEAUTY, unang makatatambal si KELVIN sa isang mini-series bilang Kapuso
SI Kapuso young actor Kelvin Miranda pala ang unang makatatambal ng bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez, na pumirma na ng contract sa GMA Network last Friday, June 11. Isang romance mini-series ang gagawin nila, titled Stories from the Heart na ididirek ni Adolf Alix Jr. Si Kelvin ay lubos […]