• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Casimero, naka-TKO win sa kaniyang muling pagbabalik sa boxing

NAKA-SCORE ng knockout victory si John Riel Casimero laban kay Saul Sanchez sa unang round pa lamang sa laban nito sa Japan nitong Linggo.

 

 

Bago pa man ang kaniyang panalo ay humarap muna sa mga problema ang boksingero pagdating nito sa kaniyang timbang.

 

 

Dalawang beses kasing sumobra sa limit ang timbang ni Casimero bago pa man ito sumabak sa match kontra kay Sanchez.

 

 

Dahil na rin sa rules ng Japan Boxing Commission ay pinagbigyan sa pangatlong pagkakataon si Casimero na magkaroon ng huling weigh-in bago ito sumalang sa laban, kung saan dito ay pumasok na sa limit ang timbang at nabigyan na ng clearance na makatungtong sa boxing ring ang Filipino boxer.

 

 

Hindi na nga nag-aksaya pa ng panahon ang boxer at tinapos agad ang paghaharap nila ng katunggali sa unang round pa lamang.

 

 

Samantala, ang panalo niyang ito ay nakapagpatingkad sa karera niya bilang boksingero kung saan mayroon na siyang naitalang record na 34 wins, 4 loses at 1 draw kung saan 23 sa mga naitalang panalo ay via knockout.

 

Other News
  • BEA, natupad na ang dream na maka-duet si JULIE ANNE sa ‘All-Out Sundays’; ramdam ang warm welcome ng mga Kapuso stars

    SUMABAK na ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo sa live presentation kahapon, October 3, sa All-Out Sundays.     Sabay ang pag-welcome kay Bea ng mga Kapuso stars, at birthday celebration niya. May magandang singing voice si Bea, dream daw niyang maka-duet si Julie Anne San Jose, na natupad naman dahil iyon ang […]

  • Manila City government maglalabas ng quarantine pass

    Maglalabas ang Manila City government ng quarantine pass sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito para malimitahan ang paggalaw ng mga tao matapos na ilagay ng national government sa enhanced community quarantine (ECQ).     Ayon sa Manila Public Information office na ang mga punong barangay ay magbibigay ng isang quarantine pass sa bawat […]

  • President Duterte pinahinto ang vehicle inspection scheme

    Pinahinto ni President Duterte ang pagpapatupad ng vehicle inspection scheme program ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa dumaraming reklamo sa mataas na bayad dito.     Hindi na mandatory ang MVIS para sa renewal ng registration ng mga private at public utility vehicles (PUVs).     “MVIS is no longer mandatory. That means there […]