Castro vs Biscocho sa pagka-race director
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
Si Jose ‘Jun’ V. Castro Jr. ang kinikilalang ng ama ng Philippine running.
Siya ang dahilan ng running boom sa bansa noong dekada 80 tapos ng bantog niyang Band Aid Family Marathon Clinic noong 70s.
Pero noong 1980 silang dalawa – Castro ng Intergames o Intersport at Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho ng Run And Compete Enterprise o RACE – ang naging mahigpit na magkaribal sa pag-o-organize pagiging mga race director ng mga marathon at iba pang footrace sa Metro Manila at sa kapuluan na rin.
Naging race director si Castro ng National MILO Marathon, Batulao Marathon, Pilipinas Third World Marathon na kalauna’y naging San Miguel Beer Pilipinas International Marathon.
Na kay Biscocho ang Philippine Airlines Manila International Marathon, Puma Half-Marathon, at iba pa. Hinawakan din niya sa dekada 90 hanggang 2000-plus ang MILO Marathon nang yumao na si Castro noong 2015..
Namayapa na si Jun sa Estados Unidos sa kanser tapos umalis ng bansa noong 1993 sa kasagsagan ng panunungkulan niya bilang komisyoner ng Philippine Sports Commission (PSC).
Nasa Tate rin si Rudy sa kasalukuyan matapos mamatay ang isang anak na lalaki at paminsan-minsan na lang pumaparito para sa ilang piling binabalangkas pa rin niyang mangilan-ngilan na mga karera na lang gaya ng Yakult 10-Miler.
Sa kuwento ng aking papa (RDC) na nakoberan ang mga patakbo ng dalawa, Pareho aniyang mabuting makisama sina Catro at Biscocho.
Kaya dinudumog ng sports media ang kanilang mga patakbo. Nakatakbo’t taposdin pala ng NMM, PAL-MIM at PIM bukod pa sa Pasig Marathon at Subukan Full-Marathon sa Quezon City ang aking ama.
***
Kung nais po ninyong mag-reaksiyon o may gusto po kayong itanong, mag-email lang po kayo sa jeffersonogriman@gmail.com.
Idalangin po nating lahat na matapos na ang COVID-19. Ingat po tayong lahat palagi. Panatilihin po nating malakas ay malinis ang ating katawan sampo ng ating tahanan, mga kasamahan at kapaligiran.
Hanggang bukas po uli mga ka-PEOPLE’S Balita.
God bless us all! (REC)
-
‘1st Sunday’ ng 2022: 4,600 bagong COVID-19 cases, naitala sa PH; 25 bagong patay
Mula sa 3,617 sa unang araw ng bagong taon kahapon, tumaas sa 4,600 na bagong COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) cases ang naitala sa Pilipinas ngayong araw. Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), 21,418 na ang bilang ng aktibong kaso kung saan 769 ang asymptomatic o walang sintomas, 15,644 ang mild, […]
-
Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa
NAGHAHANAP pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China. Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas. […]
-
TerraFirma Dyip taob sa Magnolia; bokya pa rin sa PBA bubble
PINADAPA ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang TerraFirma Dyip, 103-89, sa kanilang banggaan sa PBA Philippine Cup na ginaganap sa bubble sa Angeles University Gym sa Angeles, Pampanga. Tila bumangga sa pader ang Dyip sa pagharap sa Magnolia dahil tambak ang inabot nito at hindi nakayanan ang lakas ng opensa at depensa ng Hotshots. […]