• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise

Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal.

 

Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, nang ipahayag nito ang planong pagdinig ng komite sa naturang usapin.
Muling pinaninindigan ni Cayetano na malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na ang usapin sa prangkisa ay eklusibong manggagaling sa Kamara.

 

“Ang stand ko na paulit-ulit kong sinasabi na malinaw na malinaw sa Konstitusyon, (franchise) shall exclusively originate from the House,” ayon kay Cayetano.

 

Dahil dito, hindi niya makita ang rason ng Senado sa ginawa nitong pagdinig gayong malinaw sa Konstitusyon na dapat sa Kamara ito magmumula.

 

Bukod dito, sinambit ni Cayetano na hindi rin kailangang apurahin ang pagtalakay nito dahil hindi naman magsasara ang naturang TV network kahit na mag-expire na ang prangkisa nito sa Marso 30 at ito’y binibigyan niya umano ng kasiguraduhan.

 

Kaya naman mariing sinabi nito na malinaw lamang na marami lang ang gusto umapel o gumawa ng eksena o sumipsip sa TV network.

 

“We’ve said from the start the reason why we think it’s important but not urgent dahil hindi naman tayo papayag na there will be a single minute na hindi magbo-broadcast ang ABS-CBN, ang problema maraming gustong umepal, maraming gustong maging part ng discussion, maraming nagpo-propose, panay what if, what if?,” giit pa ni Cayetano.
Ayon pa sa House Speaker, kaya nilang panindigan ang kanilang sinasabing hindi magsasara ang TV network.
“So nung sinabi naming hindi magsasara, ‘yan ang paninidigan namin,” dagdag ni Cayetano.

Other News
  • PDu30, nilagdaan ang batas na magbibigay ng monthly pay sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan

    TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpapalakas sa Sangguniang Kabataan (SK), kabilang na ang pagbibigay ng monthly honoraria sa youth council officials.     Nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Mayo 6 ang Republic Act No. 11768, naga-amiyenda sa ilang probisyon ng Sanggunian Kabataan Reform Act of 2015. Ang kopya ng bagong batas […]

  • 2 arestado sa shabu sa Valenzuela at Navotas

    Dalawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang rider ang arestado ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas city.     Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 12 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga […]

  • GCash tiniyak na ‘walang nanakaw’ na pera sa users, maibabalik din sa accounts

    SINIGURO  ng mobile wallet at online payment service na GCash na mababalik din sa mobile users ang perang nawala sa kanilang account ngayong hapon — ito matapos magulat ang marami sa mga ‘di inaasahang pagkakalipat ng pondo.     No. 1 trending sa Twitter ang GCash ngayong Martes matapos ang maraming unauthorized “successful fund transfers” […]