• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cayetano tiniyak kay Duterte aagahan ang approval sa budget; nag-sorry sa idinulot na ‘anxiety’

TINIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa taongbayan na sa kabila ng ingay sa girian sa speakership post sa Kamara ay aaprubahan nila “on time” ang 2021 proposed P4.5-trillion national budget.

 

Sinabi ito ni Cayetano matapos na magbanta si Pangulong Duterte sa Kamara na ayusin ang panukalang pondo para sa susunod na taon dahil kung hindi siya na mismo ang kikilos para gawin ito.

 

Bukas din aniya si Cayetano sa apela ng Pangulo na ihinto na ang pamumulitika dahil inilalagay lamang nito sa peligro ang kapakanan ng publiko lalo na ngayon sa gitna ng pandemya.

 

Kasabay nito, muling humingi nang paumanhin si Cayetano sa Pangulo at sa sambayanang Pilipino dahil sa “anxiety” na kanilang idinulot sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

 

Sinabi ni Cayetano na sa Nobyembre 5 ay isusumite na nila sa Senado ang printed copy ng 2021 General Appropriations Bill (GAB) upang sa gayon ay maipagpatuloy na rin ng mataas na kapulungan ang kanilang mga pagdinig.

 

Ito ay isusumite ng mas maaga bago ang formal transmittal ng GAB sa Nobyembre 16 pagkatapos nilang mapagbotohan ito sa ikatlo at huling pagbasa.

 

Kasabay nito, ipinapangako ni Cayetano kay Pangulong Duterte na lahat ng hakbang na kanilang ginawa patungkol sa budget ay naayon sa itinatakda ng Saligang Batas sapagkat hindi aniya nila maaring isakripisyo ang ligalidad nito lalo na ngayong may pandemya.

 

Ang pondong kanilang tinatalakay ay natitiyak din niya na tutugon sa epekto ng public health crisis at para sa hinaharap ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU

    SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.   Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, […]

  • RESUMPTION O IPAGPAPATULOY LIMITADONG FACE- TO-FACE CLASSES NG UNIVERSITY OF STO TOMAS, TULOY NA

    MATAPOS aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  para sa partial resumption ng face to face classes sa  University of Santo Tomas ay tiniyak naman ng pamunuan ng unibersidad na  masusunod ang  itinatakdang panuntunan ng pamahalaan laban sa corona virus disease o covid 19.       Ito ang  pahayag ng pamunuan ng UST na […]

  • Pinay Tennis player Alex Eala nabigo sa quarfinals ng W25 Spain

    Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala makaabot sa quarterfinals ng Platja D’Aro tournament o W25 Spain.     Ito ay matapos na talunin siya ni Irene Burillo Escorhuela ng Spain sa score na 6-2, 6-4.     Hawak pa ni Eala ang kalamangan sa second round hanggang tuluyang makabangon Spanish tennis player.     […]