• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CAYOBIT DEHADO PERO KAKASA RIN SA 36TH PBA DRAFT 2021

BATID ni Christian Cayobit na dehado siya sa mga kapanabayan sa darating na Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa Marso 14.

 

 

Gayunman, hindi na nawalan ng pag-asa ang tunong Cebu na mang-aawit at basketbolista sa puntirya niyang makapasok sa unang propesyonal na liga sa Asya.

 

 

Kabilang ang 30 taong gulang ,may  5-5 ang taas sa 97 aspirante para sa taunang kaganapan kaugnay sa pagbubukas ng ika-46 na edisyon ng PBA – ang 2021 Philippine Cup – sa darating na Abril 9.

 

 

“Nakapag-isip akong mag-apply sa PBA because nakita ko sa website nila last December na tinanggal nila yung qualification na which is kailangan maglaro ka pa sa PBA D-League. Secondly. Alam ko na dehado talaga ako, especially sa height, but still I tried kasi gusto kong ma-experience isang Draftee,” salaysay ng 2019 World Championships of Performing Arts (WCOPA) silver medal winner at Tawag ng Tanghalan contestant sa isang news online nitong isang araw.

 

 

Pinangwakas niyang sambit, “Tibayan ang loob. ‘Wag mahihiya na ipakita ang laro mo despite na lamang ‘yung iba sa skill mo. Ipakita mo lang ‘yung puso mo, yung ‘sincerity mo sa coaches.” (REC)

Other News
  • Natsugi na sina Misha at Nisha sa ‘Idol Philippines’: REGINE, inaming ‘devastated’ silang mga hurado sa naging resulta ng botohan

    SA Twitter post ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, inilahad niya ang kanyang nararamdaman sa naganap na tanggalan sa ‘Idol Philippines’, “Alam ko maraming nagulat sa inyo, kami rin. Sabi nga ni @chitomirandajr devastated kami.     “Pero ito talaga ang patunay na YOU guys have the power to choose who will be the next @idolphilippines […]

  • Laput tipo ang Magnolia

    MAGKAKAROON kaagad ang Magnolia Hotshots ng malaki o sentro kung masusunod lamang ang hangarin ng one-and-done former player ng Marinerong Pilipino Skippers sa Philippine Basketball Association Developmental League (PBADL) na si  James Laput.     Binunyag ng 24 na taon, may taas na 6-10  na Filipino-Australian, na isa sa mga koponan na puntirya niyang malaruan […]

  • RFID sa NLEX mataas na ang detection capability

    Pinaganda at mas mataas na ang detection capability ng RFID na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX), ang unit ng Metro Pacific Tollways Corp., upang mabigyan ang mga motorista ng magandang customer experience sa mga toll gates.       “We have finished installing RFID early detection features in 188 toll lanes, completing the current […]