• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CBCP, nais magkaroon ng public consultation ukol sa ‘revival calls’ ng death penalty reimposition

Nais ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magkaroon ng public consultation kaugnay sa muling pagpapanumbalik ng parusang kamatayan.

 

Reaksyon ito ng CBCP makaraang manawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address kahapon na magpasa ng batas para maibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection sa mga drug-related cases.

 

Ayon kay CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano, naninindigan ang Simbahang Katolika sa kanilang pagtutol sa death penalty at umaasa silang irerekonsidera ng Pangulong Duterte ang nasabing isyu.

 

Sinabi pa ni Secillano, dapat magsagawa ng public consultation ang mga mambabatas upang malaman ang pulso ng masa sa naturang paksa.

 

Una rito, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na malaki na raw ang tsansa na maipasa sa 18th Congress ang pagbuhay sa death penalty para sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

 

Ngunit sa panig ng ilang mga mambabatas maging ng ilang mga sektor, imbis na death penalty ang atupagin, dapat na mas ayusin ng pamahalaan ang justice system ng bansa.

Other News
  • OVP sumobra ipinasang liquidation report sa COA, resibong ginamit sa P23.8-M gastos kinukuwestyon

    Sa pagmamadali na matugunan ang pagkuwestyon ng Commission on Audit (COA) sa paggastos ng P23.8 milyong halaga ng confidential fund ng Office of the Vice President (OVP), sumobra umano ang kuwestyunable at kahina-hinalang resibo na isinumite upang bigyang katwiran ang ginawang paggastos.     Isinumite ng OVP ang 158 AR upang bigyang katwiran ang paggastos […]

  • Salary hike ng mga medical workers, dapat idaan sa SSL – Palasyo

    ISANG malaking pagbabago sa klasipikasyon ng pasuweldo sa mga Nurse at ng iba pang frontliners ang nakikitang paraan ng Malakanyang upang ganap na  maitaas ang pasahod sa kanila.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dapat idaan sa Salary Standardization Law ang lahat at mula dito ay maitaas ang Salary grade ng mga nagtatrabaho sa […]

  • 95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT

    TINATAYANG  nasa 95% hanggang  96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.     “As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.     “I expect mga 100 million more or less, so […]