Cemetery pass sa mga gugunita ng undas sa Navotas
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
NAGTAKDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan sa mga nais maggunita ng Undas at mag-i-isyu ng pass sa mga dadalaw sa puntod ng mga mahal nila sa buhay kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod mula October 30 hanggang November 4, 2020.
Ang naturang hakbang ay para maiwasang dumagsa at magsiksikan ang mga bibisita sa mga puntod, hindi masunod ang 1-2 metrong physical distancing at ma-expose sila sa COVID-19 virus.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa mga nais magunita ng Undas ay gawin ang itinakdang mga panuntunan bago o pagkatapos ng nabanggit na mga petsa.
Kumuha ng cemetery pass tatlong araw bago bumisita sa puntod at para makakuha nito, mag-TEXT JRT na nakalagay ang pangalan, address, edad, petsa, at araw ng pagbisita sa mga cemetery (public, catholic, immaculate garden).
Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass. Ang pass ay magagamit lamang sa dalawang tao alinsunod sa schedule na nakalagay. Ipakita ang cemetery pass at valid ID sa mga nakabantay sa sementeryo.
May tatlong time slot ang pagbisita, 7am hanggang 9am, 11am hanggang 2pm at 3pm hanggang 6pm.
Paalala ng local na pamahalaan na iwasang magdala ng pagkain o inuming nakalalasing, magsuot ng pface mask at face shield, at siguraduhing may 1-2 metrong distansya mula sa mga kasama.
Hindi naman pinapayagang lumabas ang mga wala pang 21- taong gulang o mga senior citizen para pumunta sa sementeryo alinsunod sa polisiya ng IATF para sa kanilang kaligtasan. (Richard Mesa)
-
2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu
DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 […]
-
Bulacan PESO, inilunsad ang Virtual Career Expo 2020
LUNGSOD NG MALOLOS– Upang magbigay ng online job advertisement platform sa mga Bulakenyong naghahanap ng trabaho, inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) sa pakikipagtulungan ng Jobs180.com ang Virtual Career Expo 2020 noong Oktubre 23, 2020. Handog ng career expo na may […]
-
3 months ‘interval’ sa booster shot, ok – DOH
Irerekomenda ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na paiksiin ang pagitan na buwan sa tatlong buwan na lamang sa pagkuha ng booster shot kontra COVID-19. Inihayag ito ni Health Secretary Francisco Duque III makaraan ang pagkakadiskubre sa dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa. […]