• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CENTENARIAN NAKATANGGAP NG P10K REGALO MULA SA NAVOTAS LGU

NAKATANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa Pamahalaan Lungsod ng Navotas ang isang  centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan sa lungsod.

 

 

Personal na binisita para batiin at inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco at ilang konsehal ng lungsod ang P10,000 cash na regalo kay Lola Beatriz Garcia ang centenarian na nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong taong 2022.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, ang natatanggap na cash na regalo para sa mga centenarian na residente ng lungsod ay nagsimula pa noong 2014 bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod at sa lahat ng kanilang nagawa para sa Navotas.

 

 

Bukod dito, makatatanggap din aniya si lola Beatriz ng P100,000 mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

“Si Cong. John Rey ay may inihaing batas na nagtataas sa halaga ng social pension ng mga senior at lahat na ng mga senior ay mabibigyan, may pension man sila sa gobyerno o wala. Makatatanggap din ng cash benefit ang mga senior na aabot ng 80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang”, ani Mayor Toby.

 

 

“Hangad nating tuluyan na itong maisabatas para mas masaya at mas napapangalagaan ang kapakanan ng ating mga lolo at lola”, dagdag niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Jesus; Matthew 11:28

    Come to me.

  • Herd Immunity ng Pinas, posibleng abutin ng 2023

    Hindi malayong sa taong 2023 pa maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra COVID-19.     Ito ang pagtaya ng Philippine Vaccine Tracker matapos bumagal ang pagdating ng suplay ng bakuna nitong mga nakaraang linggo.     Sa datos ng PVT, mula July 9 hanggang kahapon ay bumaba ang bilang ng mga naturukan dahil sa pagkaantala ng […]

  • Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

    HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, […]