China Coast Guard responsible sa jamming signal
- Published on February 28, 2024
- by @peoplesbalita
INAKUSAHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang Chinese counterpart ng jamming sa signal ng tracking system ng mga barko ng Pilipinas ng ilang beses sa mga kinakailangang operasyon sa West Philippine Sea (WPS) na pinipigilan makapag-broadcast ang mga barko ng kanilang mga posisyon sa dagat.
Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na naobserbahan nito sa rotational deployment ngayong buwan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquiatic Resources (BFAR) ships sa Bajo de Masinloc na may mga pagkakataon na ang kanilang barko ay hindi makapag-transmit ng kanilang automatic identification signals (AIS).
Noong Pebrero 22, binanggit ni Tarriela na humarang umano ng China Coast Guard (CCG) ang AIS ng BRP Datu Sanday ng BFAR, na idineploy para mag-supply ng gasolina at matiyak ang seguridad ng mga mangingisdang Pilipino upang suportahan ang press release ng China sa matagumpay na pagtataboy sa mga barko ng Pilipinas.
Sinundan ng pagpapalabas ng pahayag ng CCG sa kanilang official website na itinaboy nila ang BRP Datu Sanday nang iligal itong pagpasok katubigan na katabi ng Huangyan Dao ng China.
“We also noticed this occurrence during the last deployment of BRP Teresa Magbanua and BRP Datu Tamblot. Through such jamming, any commercial AIS monitoring cannot also disprove such statements because they may not be able to find our vessels,”sabi ni Tarriela. GENE ADSUARA
-
Witness the Origin: New Trailer for “Transformers One” Unveiled at San Diego Comic-Con
DISCOVER the untold origin of a legendary rivalry! Get ready to witness the story that reshaped our world with the new trailer for “Transformers One,” unveiled at San Diego Comic-Con. Starring Chris Hemsworth, Brian Tyree Henry, Scarlett Johansson, and Keegan-Michael Key, this groundbreaking film opens exclusively in cinemas on September 18. […]
-
23K riders sa Angkas, naitala sa Metro Manila
NAKUHA ng Angkas ang may pinakamaraming allotted riders dahil sa pagkabigo ng ibang motorcycle taxi companies na magdagdag para sa expanded rider cap kung kaya’t mayroon ng kabuoang 23,000 riders ang Angkas sa Metro Manila. Sinabi ng Department of Transportation (DOTr’s) interagency technical working committee na nag-aaral ng legality at viability ng operasyon ng […]
-
FROM KARATE CHAMPION TO SUPER HERO: “COBRA KAI” STANDOUT XOLO MARIDUEÑA PLAYS HIS DREAM ROLE IN “BLUE BEETLE”
“IT’S a dream, surreal is really the only word I can use for it,” says Xolo Maridueña, who plays Jaime Reyes / Blue Beetle in the all-new Super Hero movie from Warner Bros. Pictures, “Blue Beetle.” “For as long as I can remember, Jaime Reyes is the biggest Latin Super Hero in […]