• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trading card ni LeBron James, naibenta ng halos $2-M sa auction

Nabenta ang kakaibang trading card ni NBA superstar LeBron James ng tumataginting na $1.8-milyon o halos P89-milyon.

 

Ayon sa Golden Auctions, binura ng modern trading card ni LeBron ang naitalang record ni Los Angeles Angels star Mike Trout na umabot lang ang halaga sa $923,000 noong Mayo.

 

Batay sa ulat, lumikha ng 23 kopya ang Upper Deck ng nasabing card na pinirmahan ni LeBron noong rookie season nito sa Cleveland Cavaliers.

 

Nasa “gem mint” condition na may 9.5 grade ang card na nabili ng kolektor na si Leore Avidar.

 

Si LeBron, na naging 16-time All-Star at four-time Most Valuable Player, ay hinahabol ang kanyang ikaapat na NBA title at una kampeonato bilang miyembro ng Lakers.

 

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang 35-year-old veteran sa kasaysayan ng liga na may 34,087 points.

Other News
  • Kapalaran ng Pacquiao-Crawford bout malalaman ngayong linggo – Arum

    Malalaman umano ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.     Ayon kay Top Rank Promotions CEO Bob Arum, mayroon daw investor na handang maglabas ng pera para sagutin ang napakamahal na site fee matuloy lamang ang nasabing megafight.     “Somebody is […]

  • Ads March 12, 2020

  • Obiena may bagong event

      HINDI na matutuloy ang World Athletics-sanctioned international pole vault event na itataguyod sana ni two-time Olympian Ernest John Obiena.   Nakatakda sana ito sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle sa Makati City.   Sa halip, nais ni Obiena na gagapin na lamang ito sa susunod na taon.   “I am truly sorry for this. […]