CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas
- Published on August 24, 2023
- by @peoplesbalita
HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC.
Bukod dito, hindi pa hinihingi ng ICC ang tulong ng komisyon kaugnay sa kahit na anumang kaso.
Ang huling kaganapan hinggil sa ICC ay nang magbotohan ang Appeals Chamber nito noong Hulyo 18 kung saan lumabas na 3-2 ang nakuhang boto, tinanggihan ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon sa drug war.
Pinagtibay ng ruling ang nauna nitong desisyon noong Enero sa pamamagitan ng Pre-Trial Camber na payagan ang imbestigasyon ukol sa drug war, kahit pa hayagan ang pagturing ng gobyerno ng Pilipinas na kawalan ng kahandaan nito na imbestigahan o usigin ang kaugnay na krimen.
Dahil sa desisyon, nagbukas ng bagong yugto sa drug war case, nabigyan ng pagkakataon si ICC Chief Prosecutor Karim Khan na isulong ang pag-uusig sa ilang indibidwal.
“If Khan pursues charges, these could fall on Duterte and his Philippine National Police (PNP) chief at the height of the drug war, Sen. Ronald dela Rosa,” ayon kay human rights lawyer Neri Colmenares.
Sinabi naman ni Palpal-Latoc na “If the ICC will request us to help them (provide) the evidence we have gathered in the cases, we have already investigated, we can share it.”
“If our participation would help find a solution to the problem of human tights affecting Filipinos, we will perform our mandate,” dagdag na wika nito sabay sabing “We have an independent mandate to look into human rights concerns of the Filipinos here and abroad.” ( Daris Jose)
-
SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021
LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021. Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na […]
-
Gobyerno uutang ng P1.6 trilyong pandagdag sa 2023 budget
UUTANG ng P1.6 trilyon ang gobyerno para mabuo ang panukalang P5.268 trilyon na pambansang budget sa susunod na taon. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance matapos tanungin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung paano popondohan ang panukalang budget para sa 2023. Ayon kay […]
-
PDu30, ipinagkibit-balikat lang ang pambabatikos ng “dating mahistrado” hinggil sa drug war
IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pambabatikos at paninira ng isang “dating mahistrado”, at paglalarawan sa kanyang giyera laban sa ilegal na droga bilang “clearly unconstitutional.” Bagama’t hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang tinutukoy niyang “dating mahistrado”, matatandaan na kamakailan lamang ay kinumpara ni retired Supreme Court (SC) senior […]