Chris Paul pinakawalan ng Thunder patungong Suns, kapalit ng 4 players trade
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
GINULANTANG ngayon ang mundo ng NBA matapos pakawalan ng Oklahoma City Thunder ang kanilang All-Star guard na si Chris Paul patungong Phoenix Suns.
Kapalit sa pag-trade kay Paul ay apat na mga players. Dahil dito mapupunta na sa Thunder sina Ricky Rubio, Kelly Oubre, Jalen Lecque, Ty Jerome at ang first-round pick sa pagitan ng taong 2022 at 2025.
Gayunman ang naturang impormasyon ay hindi pa umano naisasapinal ng liga.
Kung matuloy ang pag-trade kay Paul, makakasama niya sa team ng Suns ang isa rin matinding shooter sa NBA at isa ring All-Star na si Devin Booker.
Kung maalala sa kasagsagan ng NBA bubble bagamat naka 8- 0 sa restart ang Phoenix, kinapos naman ito pagsapit sa playoffs.
Samantala, bigla namang nagbigay ng reaksiyon si Ricky Rubio sa social media at nasabi na lamang ang mga salitang “negosyo lang talaga ang NBA.”
-
Tim Cone inaming nahihirapang makahanap ng final 12
INAMIN ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mahihirapan itong pumili ng final 12 na sasabak para sa second window ng FIBA Asia Cup.Streaming service Sinabi nito na sakaling magkakaroon ng problema dahil sa injury si Justin Brownlee ay ipapalit agad nila si Ange Kouame. Ang 6-foot-11 kasi na dating Ateneo […]
-
Delta variant ‘dominanteng’ uri na ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas — WHO
Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes. Bagama’t mas nakahahawa na sa karaniwan ang Alpha at Beta variants ng COVID-19, 60% na “mas transmissible” dito ang Delta variant, ayon sa pahayag ng Department of Health at Vaccine […]
-
Malakanyang, binuweltahan si Senador Lacson
NIRESBAKAN ng Malakanyang si Senador Panfilo Lacson matapos nitong pasaringan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-“refresh” ng Pangulo ang kanyang memorya sa pamamagitan nang pagbasa sa Article VII, Section 21 ng 1987 Constitution kung saan nakasaad na walang anumang tratado o international agreement ang magiging valid at epektibo maliban na lamang kung niratipikahan […]