CHRISTIAN, parang lalamunin ng lupa sa mga papuring natanggap kay Direk JUN; bet na bet manalong Best Actor
- Published on December 23, 2021
- by @peoplesbalita
DIREK Jun Lana reiterated na kung hindi si Christian Bables ang nakuha niya as lead actor ng Big Night ay hindi niya itutuloy ang pelikula.
Magkasamang nanonood sa press preview ng movie sina Direk Jun at Christian.
Ginagawa pa lang kasi ni Direk Jun ang script ng Big Night ay si Christian na ang gusto niya maging bida. Wala raw siyang naisip na ibang actor to play Dharna, the lead character in the film.
Very thankful naman si Christian sa papuri ni Direk Jun sa kanya, most especially when the director said na bet niya to win best actor si Christian naman
“Para akong lalamunin ng lupa,” tila nahihiyang sagot ni Christian sa sinabi ni Direk Jun. “Pero Direk, as always, lagi akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinibigay ninyo sa akin.”
Kung mahusay man daw ang acting niya sa Big Night, iyan daw ay dahil sa guidance ng kanyang director.
Ayaw naman isipin ni Christian na siya ang tatanghaling best actor. Ayaw naman niyang umasa pero kung ibibigay sa kanya ay malaking blessing daw ito for him.
Handog ng Cignal Entertainment at The IdeaFirst Company kasama ang OctoberTrain at Quantum Films, ang Big Night! ay umikot sa buhay ni Dharna (Christian) na naging biktima ng isang drug watchlist. Misyon ni Dharna na gawin ang lahat para matanggal ang kanyang pangalan sa “Oplan Tokhang”
Kasama ni Christian sa powerhouse cast sina Eugene Domingo, Gina Alajar, John Arcilla, Janice de Belen, Ricky Davao, at Ms. Gina Pareño, kasama rin sina Nico Antonio, Allan Paule, Soliman Cruz, Martin del Rosario, Awra Briguela, VJ Mendoza, Cedrick Juan, Ogie Diaz, at Sue Prado.
Napasama na ang Big Night! bilang selection entry sa prestihiyosong Tallinn Black Nights Film Festival na ginanap noong Nobyembre 12-28, 2021 sa Tallin, Estonia sa Europa.
Ngayon naman ay mapapanood na ito sa buong Pilipinas simula sa Pasko, December 25, bilang bahagi ng MMFF 2021.
***
MALIIT na produksyon lamang ang A & Q Film Productions pero malakas ang loob nila na sumugal sa paggawa ng pelikula.
Subok lang ang ginawa lang pagsali sa Metro Manila Film Festival 2021 at masaya sila dahil napili ang debut offering nila na Nelia, starring Winwyn Marquez.
Overwhelmed ang producers na sina Atty. Melanie “Honey” Quiño at Atty. Aldwin Alegre dahil pasok ang movie nila. They believe na ang magandang kwento ng Nelia which tackles mental health issues ay nakatulong para mapili ng selection committee ang pelikula.
Directed by Lester Dimaranan, the movie also stars Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Lloyd Samartino, and Shido Roxas.
(RICKY CALDERON)
-
Direktiba ng DoJ na imbestigahan na ang iligal na importasyon ng covid vaccine, natanggap na ng NBI
Natanggap na ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na umpisahan na ang imbestigasyon sa hindi umano otorisadong paggamit ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine dito sa bansa. Inatasan nga ni Justice Sec. Menardo Guevarra si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsagawa […]
-
“Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado
Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas. Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na […]
-
“CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, TO HOLD SNEAK PREVIEWS ON SEPT. 11 & 12
READY to fight for survival? Be among the first to see Concrete Utopia in the Philippines! Catch sneak previews in your favorite cinemas on September 11 and 12, one week before the regular showing on September 20. Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of the hit webtoon “Joyful Outcast” […]