• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direktiba ng DoJ na imbestigahan na ang iligal na importasyon ng covid vaccine, natanggap na ng NBI

Natanggap na ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na umpisahan na ang imbestigasyon sa hindi umano otorisadong paggamit ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine dito sa bansa.

 

 

Inatasan nga ni Justice Sec. Menardo Guevarra si NBI Officer-in-Charge (OIC) Eric B. Distor na magsagawa na ng imbestigasyon sa napaulat na importation, sale, pag-aalok ng naturang gamot, distribution, administration at inoculation ng COVID-19 vaccines na hindi pa naman otorisado o rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas.

 

 

Kapag nakitaan ng ebidensiya, ang NBI na raw ang bahalang maghain ng kaukulang kaso laban sa lahat ng taong sangkot at napatunayang responsable sa iligal na importasyon ng mga bakuna.

 

 

Mahigpit din ang direktiba ng DoJ kay Distor na magsumite ng report kaugnay ng progress ng imbestigasyon at agad isumite sa mismong Office of the Secretary sa loob ng 10 araw.

 

 

Sa naturang order, hindi naman nabanggit ang Presidential Security Group na sinasabing nakatanggap ng bakuna.

Other News
  • Top seed USA ginulat ng Uzbekistan, team PH inilampaso ang Monaco sa Day 4 ng World Chess Olympiad

    GINULAT ang national team ng Estados Unidos ng bansang Uzbekistan matapos ang Day 4 sa nagpapatuloy na 44th FIDE Chess Olympiad sa Mahabalipuram sa bansang India.     Ito ay makaraang magawang maitabla ng Uzbekistan ang kanilang harapan sa score na tig-dalawang panalo.     Tanging ang Filipino-American at supergrandmaster na si Wesley So ang […]

  • Gobyerno, may inilaang P2-B relief assistance para sa Odette-hit areas

    TINIYAK ng pamahalaan na maglalaan ito ng P2 bilyong halaga ng relief assistance para sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng bagyong Odette.   Ito’y sa kabila nang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasimot na ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.   “Si Pangulong Duterte has already committed P2 […]

  • Pinas, target na maiturok ang 1M jabs kada araw simula Nobyembre 20

    TARGET ng national government na maiturok ang isang milyon hanggang 1.5 milyon ng COVID-19 vaccine doses sa isang araw simula Nobyembre 20.   Ayon kay Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules na target ng gobyerno na maiturok ang 15 milyong doses […]