CHRISTOPHER, magdudugtong sa movie at tv series: All-star cast na ‘Cattleya Killer’ na pagbibidahan ni ARJO, ipinakilala na
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAKILALA na ng ABS-CBN ang all-star cast ng Cattleya Killer, ang pinakabagong international project ng Kapamilya Network na pagbibidahan ng 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na si Arjo Atayde.
Makakasama ni Arjo sa thriller-drama series na pang-international release sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Ria Atayde, Ketchup Eusebio, Frances Makil, Rafa Siguion-Reyna, Jojit Lorenzo, at Zsa Zsa Padilla.
Ayon sa naging pahayag ng aktor, “It’s such a beautiful cast. I’m so happy to see everyone on board.”
“I don’t need to explain further, but I’m just excited. Remember that I’m just one of the actors for this series and we’re going to do this together.”
Tuwang-tuwa naman si ABS-CBN International Production and Co-Production division head Ruel S. Bayani dahil nakuha nila si Bro. Bo, ang premyadong aktor na naging bahagi ng 1996 Star Cinema movie na Sa Aking Mga Kamay kasama si Aga Muhlach na kung saan in-adopt ang Cattleya Killer.
Pahayag ni RSB, “We’re lucky that Boyet (Christopher) is here to join us dahil to me, wala nang mas inspiring pa to have Boyet on our set. To know na may nagdudugtong from the movie to this series, at sa bagong creative energy natin sa pagku-kwento nito.”
“We’re also joined by the most professional, most talented, and most creative people in the industry,” sabi pa ng executive producer ng Cattleya Killer ay ididirek ni Dan Villegas, at mula sa panulat ni Dodo Dayao.
Magsisimula na ang production nito ngayong Pebrero at nakatakdang nga itong i-release sa international audiences.
Ang Cattleya Killer ang kasunod ng Almost Paradise, ang kauna-unahang American TV series na filmed entirely in the Philippines, na kung saan nakipag-co-produce ang ABS-CBN sa Hollywood’s Electric Entertainment.
(ROHN ROMULO)
-
CARMINA at ZOREN, nagkaiyakan sa pag-send off nila kay MAVY na sasabak sa first lock-in taping
NAGKAIYAKAN ang pamilya nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil sa pag-send off nila kay Mavy Legaspi sa unang lock-in taping nito. Kasama si Mavy sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kunsaan bida sina Heart Evangelista at Richard Yap. Nag-share ng video si Mina on instagram na nagyayakapan […]
-
“Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya laban sa pulitika ng pera at pwersa ng makapangyarihang sekta.” Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang talumpati sa Ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain […]
-
Ateneo center Isaac Go itinalagang team Captain ng Gilas Pilipinas
Itinalaga bilang team captain ng Gilas Pilipinas si Isaac Go para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga. Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na papalitan nito si Rey Suerte na nagtamo ng sprained ankle injury. Si Go ang top overall pick sa special Gilas round ng […]