• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Civil Service Commission, may paalala sa mga kawani ng gobyerno na magsasagawa ng Christmas party

TODO  paalala ngayon ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan na siguruhing hindi maaantala ang kanilang serbisyo kahit na kaliwa’t kanan na ang Christmas at year-end parties.

 

 

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, hindi naman ipinagbabawal ang pasasagawa ng office parties lalo’t taunang tradisyon na ito ngayong holiday season.

 

 

Gayunman, dapat aniyang siguruhin pa rin na tuloy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng mga tanggapan sa loob ng official working hours.

 

 

Aniya, dapat na unahin muna ang trabaho at mga kliyente bago ang Christmas Party.

 

 

“Ang mga Christmas o year-end parties po ay bahagi na ng taunang tradisyon sa mga opisina. Hindi naman ito ipinagbabawal, ngunit siguruhin po nating tuluy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng ating mga tanggapan sa loob ng official working hours. ‘Wag po nating hayaan habang tayo ay nagsasaya, malungkot o galit naman ang ating mga kliyente,” paliwanag ni Nograles.

 

 

Kasunod nito, hinikayat ni Nograles ang mga ahensya na i-adopt ang nararapat na working schedules gaya ng ‘skeletal force’ para maasikaso ang mga pumupunta sa mga tanggapan.

 

 

Bukod dito, muli ring ipinaalala ng CSC sa mga kawani ng gobyerno na bawal ang mag-solicit o tumanggap ng anumang regalo sa mga kliyente ngayong Kapaskuhan.

 

 

“If there is a client or applicant, supplier or contractor, or any other individual, group, or company that you transacted business or regularly transact business with, who is extending a gift or token to you, just politely decline and explain that you are only doing your job. Sa madaling salita, trabaho lang po.” (Daris Jose)

Other News
  • 14- anyos na dalagita ginahasa ng kainuman

    MAAGANG nasira ang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita matapos puwersahan pinainom muna ng alak bago pinagsamantalahan ng 17-anyos na binatilyo makaraang malasing ang biktima kamakalawa ng gabi sa Malabon city.   Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ng Brgy. Hulong Duhat ang suspek na itinago sa pangalang “Ronald” makaraang makapaghain ng reklamo ang […]

  • 1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

    SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.   Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.   Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo […]

  • Successful and first back-to-back Canada tour… Supporters ng Sparkle loveteams, ‘di binigo dahil sa all-out performances

    HUGE success ang first back-to-back Canada tour ng Sparkle artists noong nakaraang April 5 and 7. Pinakita ng Global Pinoys ang kanilang mainit at umaapaw na pagmamahal at suporta sa Sparkle’s best na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid. Matapos ang successful first […]