Clarkson hinirang na nba sixth man of the year
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinagbunyi ng sambayanan ang pagkakahirang kay Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Utah Jazz bilang NBA Sixth Man of the Year kahapon.
Tinalo ng 28-anyos na si Clarkson, ang lolang si Marcelina Tullao Kingsolver ay tubong Bacolor, Pampanga, para sa nasabing individual award ang kanyang Jazz teammate na si Joe Ingles at si New York Knicks star guard Derrick Rose.
Tumanggap siya ng 65 mula sa 100 first-place votes ng global panel na binubuo ng 100 sportswriters at broadcasters na bumoto rin sa iba pang season-long awards.
Unang naglaro si Clarkson para sa Los Angeles Lakers noong 2014 matapos ipagpalit ng Wizards sa pera sa draft night bago nalipat sa Cleveland Cavaliers noong 2018 kasunod sa Jazz noong 2019.
Noong Nobyembre ng 21, 2020 ay lumagda si Clarkson sa isang four-year, $52 million contract para patuloy na maglaro sa Jazz.
Nagtala siya ng mga averages na career-high 18.4 points, 4.0 rebounds at 2.5 assists sa 68 games ng 2020-21 regular season.
Malaki ang naging kontribusyon ni Clarkson sa pagiging No. 1 team ng Utah sa NBA at sa Western Conference.
Katapat ng Jazz sa first-round playoffs series ang No. 8 Memphis Grizzlies, sinibak ang Golden State Warriors ni Stephen Curry sa play-in tournament.
Nakalasap ang Utah ng 109-1112 kabiguan sa Memphis sa Game One ng kanilang serye kung saan hindi naglaro si star guard Donovan Mitchell.
-
COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic. Sa naging panayam kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical […]
-
PDu30, inatasan ang DILG na maging bahagi ng supervisory team sa point to point delivery ng maselang bakuna gaya ng Pfizer
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat maging kabahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ninanais ng Pfizer na direct vaccine delivery ng kanilang mga bakuna. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., gusto ng Pfizer ay huwag nang magkaroon ng double handling at sa halip ay idiretso na agad […]
-
‘3 weeks na voter registration extension, aprubado na ng Comelec’
Aprubado na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voter registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng ilan nating kababayan na nais magparehistro. Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang extension ng voter registration ay isasagawa sa Oktubre 9 hanggang Oktubre 31. Ang voter registration […]