COVID pandemic: Nasa 3-M manggagawang nawalan ng trabaho, bibigyan ng cash aid – DOLE
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aabot sa 3.3 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease (COVID) pandemic.
Sa naging panayam kay Labor Secretary Sylvestre Bello III, sinabi niya na karamihan sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay galing sa mga restaurant, hotels, transportasyon, clerical administrative works, at manufacturing.
Pinaka-apektado ang mga galing sa hotel dahil walang masyadong nagpupunta sa mga ito bunsod ng pandemya.
Ayon kay Secretary Bello, marami rin ang naapektuhan sa sektor ng transportasyon lalo na ang mga provincial buses na humihiling na sila ay payagan nang mamamasada.
Gayunman, tulad ng pagtulong ng DOLE sa mga bus driver na nawalan ng trabaho, makakaasa rin daw ang iba pang mga naging unemployed sa pamamagitan ng COVID Adjustment Measures Program o DOLE-CAMP.
Bibigyan ng DOLE ang mga manggagawa ng P5,000 na cash aid at maaari namang livelihood sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) na gustong magsimula ng sariling negosyo kaysa umasa sa mga maibibigay na trabaho sa kanila.
Tiniyak ng kalihim na kapag nailabas na ang pondo ay bibigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho pero minsan lamang ito.
-
CHRISTIAN, first time na gawin ang bed scene and torrid kissing scene with SEAN dahil kay Direk JOEL
SINA Diego Loyzaga at Christian Bables ay mga Bekis on the Run, sa pinaka-aabangan na comedy-drama movie ng award-winning direktor na si Joel Lamangan, exclusive sa VIVAMAX ngayong September 17. Sinubukan ni Andres (Diego) at ng kanyang bading na kapatid na si Donald (Christian) na nakawan ang isang construction site, ngunit wala sa plano nila ang […]
-
Desidido sa pagka-VP
Itinanggi ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga espekulasyon na magkakaroon ng “substitution” para bigyang daan ang kandidatura ng isang inbdibiduwal sa pagsasabing desidido siyang ituloy ang pagtakbo niyang bise-presidente ng bansa sa darating na 2022 elections. “I can’t speak for the other candidates. Hindi po ako makapagsalita kung ano po ang magiging […]
-
Brgy Poblacion, Pulilan, iniuwi ang dalawang pangunahing parangal sa Ika-20 Gawad Galing Barangay
LUNGSOD NG MALOLOS– Wagi ang “Poblacion, Pagbangon, at Paghilom” ng Barangay Poblacion, Pulilan bilang isa sa limang parangal na Natatanging Gawaing Pambarangay, habang nanaig ang kanilang Kapitan Ryan P. Espiritu bilang Natatanging Punong Barangay sa ginanap na Ika-20 Gawad Galing Barangay sa Gitna ng Pandemya Awarding Ceremonies na ginanap online ngayong araw. Kinilala rin […]