• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Claro, 60 na iba pa pasiklab sa 1st WNBL Draft Combine

MAY 61 aspirante, sa pamumuno ni dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Most Valuable Player Camille Claro ng De La Salle University Lady Archers, ang mga nagladlad ng gilas sa unang araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 maghapon nitong Sabado sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

 

Nakasa niya sina former UAAP MVP Marichu Bacaro ng dating University of Santos Tomas Golden Tigresses, at Kat Araja na mga asam makasama sa iba’t ibang team na mga lalahok sa 1st WNBL 2021 na planong magsimula sa Enero o Marso.

 

Pumunta sa pagtitipon si WNBL ambassador Kiefer Isaac Ravena sa kung saan ipinakita ng mga kalahok ang  husay sa iba’t-ibang kalakasan, bilis, at liksi na pinamahalaan ng professional trainers sa pagtatangka agad na magpakilala para sa gaganaping draft ngayon ding Disyembre. (REC)

Other News
  • Number 16 ni Paul Gasol, retirado na

    Tuluyan ng niretiro ng Los Angeles Lakers ang jersey number ni retired player Pau Gasol.   Isinagawa ang isang seremonya sa Crypto.com Arena sa halftime sa laban ng Lakers kontra Memphis Grizzles.   Dito ay ipinakita ng Lakers ang number 16 na jersey ni Gasol at niretiro na nila katabi ang jersey number 24 ng […]

  • ‘Huwag Kang Mangamba’, nakakuha ng nominasyon sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2021

    NAKAKUHA ng nominasyon ang Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba bilang Best Drama Series/Telefilm Made for a Single Asian Market sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2021.     Makakatapat ng inspirational teleserye ang iba pang apat na nominadong programa mula sa Asya. Pararangalan naman ang winner sa isang virtual ceremony sa Agosto 27 base sa kahalagahan at pagiging akma nito […]

  • PBBM, sinaksihan ang paglagda sa Cooperation Agreement para makapagtayo ng “first cancer hospital” sa Pinas

    SINIMULAN na ng AC Health and Varian Medical Systems ang groundbreaking partnership  na naglalayong  i-improve o ayusin ang access sa de-kalidad na  cancer care sa Pilipinas.     Ang pagpirma sa cooperation agreement ay sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr.  sa Ritz-Carlton Hotel sa sidelines ng  kanyang naging partisipasyon sa  2023  Asia Pacific Economic Cooperation Summit […]