• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CLEARING OPERATION SA PORT AREA, NAGING MAAYOS

NAGSAGAWA ng clearing operation ang mga tauhan ng Department of Public Safety, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Police District (MPD), ang mga iligal na tindahan sa kahabaan ng Roberto Oca St. Kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.

 

Dakong 10:30 ng umaga nang dumating ang grupo sa lugar para tanggalin ang mga tindahan na nagsisilbing obstruction sa mga kalsada.

 

Puntirya rito ang mga tindahan ng mga bisikleta, mga second hand na mga aircon, washing machine at iba pang surplus machine.

 

Ilang struktura ang minaso, dahil nasa kalsada.

 

Naging maayos naman ang clearing operation ng mga awtoridad sa lugar.

 

Ayon sa isang tindera sa lugar malamang na umuwi na lamang sila sa probinsiya.

 

Nasa lugar lamang naman sila para makapaghanap buhay dahil wala namang ayuda kanila ang lokal na pamahalaan ng Maynila. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA

    ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.     Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng […]

  • Ads May 5, 2021

  • Alert level 3 sa NCR mananatili kung mababa sa 70% ang healthcare utilization

    IREREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force ang pagpapanatili sa Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) kung patuloy na mas mababa sa 70 porsyento ang healthcare utilization rate ng rehiyon sa pagtatapos ng linggo.     Ito ang kundisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa magiging rekomendasyon niya sa […]