• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cleveland employees aayudahan, Love ‘magpapasweldo’

MAMUMUDMOD ng $100,000 o mahigit P5-M si Cleveland Cavaliers star Kevin Love bilang ayuda sa mga empleyado ng kanilang playing arena na naapektuhan ng suspension ng laro ng NBA dahil sa coronavirus disease.

 

Ayon kay Love, hindi lamang siya nababahala sa basketball at sa halip ay sa mga tao na nasa likod tuwing sila ay naglalaro.

 

“I’m concerned about the level of anxiety that everyone is feeling and that is why I’m committing $100,000 through the @KevinLoveFund in support of the @Cavs arena and support staff that had a sudden life shift due to the suspension of the NBA season,” caption ng Cavaliers forward sa post niya sa Instagram ng larawang naki-selfie sa daang workers ng arena.

 

Nagpahayag din ang Cavaliers na gagawa sila ng paraan para matulungan ang mga empleyado ng mga playing venues na apektado ng pagsuspendi ng laro.

 

“Thank you @kevinlove – coming through in the clutch,” tweet ng Cavs. “We’re behind you, as we also announced earlier today that we are compensating all of our @RMFiedlHouse hourly and event staff team members as if every game and every event is still taking place!”

 

Si Dallas Mavericks owner Mark Cuban at ang Atlanta Hawks, gumawa rin ng paraan para makalikom ng pondo na pang-ayuda sa mga arena worker.

 

Inaasahang susunod na rin ang iba pang teams.

 

Magugunitang pinasuspendi ng NBA ang lahat ng laro para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.

Other News
  • Most wanted person ng Pampanga, nabitag sa Valenzuela

    KALABOSO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Angeles, Pampanga matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Richard Floren, 36 ng Brgy. Viente Reales ng lungsod.     Sa kanyang […]

  • Operators ng libreng sakay sa EDSA nanghihingi ng dagdag singil sa gobyerno

    NANGHIHINGI ng dagdag singil sa gobyerno ang mga operator ng bus sa EDSA carousel na nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon.       Sinabi ni LTFRB chief Cheloy Garafil, dalawang consortia na tumatakbo sa EDSA runway ang umaalma para sa dagdag bayad ng kanilang […]

  • COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts

    Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP).   Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay […]