COA, isiniwalat ang mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya
- Published on October 6, 2023
- by @peoplesbalita
ISINIWALAT ng COA na mayroong mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya.
Sa 2022 audit nito sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM), sinabi ng COA na ang pag-iimbak at napapanahong pamamahagi ay naging pangunahing alalahanin sa nakalipas na dalawa hanggang walong taon.
Sa pagbanggit ng isang halimbawa, sinabi ng COA na ang Office of Civil Defense (OCD) ay mayroong iba’t ibang inventories na nagkakahalaga ng P37.104 milyon na binubuo ng sleeping kits, medical supplies, portable water filtration systems, tents, generator sets, portable toilet, at water pumps bukod sa iba pang mga item.
Ang mga item ay nanatiling hindi naipamahagi mula dalawa hanggang walong taon at, sa gayon, nalantad sa pag-aaksaya, o maling paggamit.
Binanggit nito na sa ilalim ng Seksyon IV ng Circular No. 2014-002 nito, ang mga naibigay na relief goods ay dapat ma-sort at sumailalim imbentaryo bago i-repack.
Dapat din umanong isagawa kaagad ang pamimigay ng mga donasyon, lalo na ang mga nabubulok na bagay o pagkain. (Daris Jose)
-
Salary hike ng mga medical workers, dapat idaan sa SSL – Palasyo
ISANG malaking pagbabago sa klasipikasyon ng pasuweldo sa mga Nurse at ng iba pang frontliners ang nakikitang paraan ng Malakanyang upang ganap na maitaas ang pasahod sa kanila. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dapat idaan sa Salary Standardization Law ang lahat at mula dito ay maitaas ang Salary grade ng mga nagtatrabaho sa […]
-
Mga atleta masasama sa unang matuturukan kung may sobra
BINUNYAG ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na mababakunahan ang 31st Southeast Asian Games-bound national athletes kung may mga sosobrang iniksiyon lang laban sa COVID-19 kapag dumating ang unang batch sa 2021 first quarter. Sang-ayon sa opisyal nitong Huwebes, mauunang tuturukan ang mga frontline health worker, mga senior citizen at may mga sakit […]
-
Kahit wagi sa prelim bout, Nesthy Petecio, ‘di papakampante sa face off nila ng Chinese-Taipei boxer bukas – coach
Nakahanda na ang “Davao pride” na si Nesthy Petecio na makaharap ang world’s number 1 na si Ling Yu Ting mula-Chinese Taipei para sa Women’s Featherweight Category. Ito’y matapos niyang talunin kahapon si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of the Congo sa pamamagitan ng unanimous decision o 5-0 na score mula sa […]