Coach Yeng Guiao nananahimik
- Published on March 16, 2023
- by @peoplesbalita
SA pamantayan ng nakakakilala kay Yeng Guiao, behaved na ang maingay na coach habang minamanduhan ang Team Scottie kontra Team Japeth sa PBA All-Star Game sa Iloilo nitong Linggo.
Kinabitan ng mic sa buong first half ang tactician kaya dinig ang bawat salita.
“Ang hirap magpigil,” nakangiting bulalas ni Guiao. “Wala tuloy mura.”
May isang pagkakataon na nasinghalan niya ang game official.
“Ref, All-Star na nga ‘to mali ka pa rin,” singhal niya na umani ng tawa sa mga nakadinig sa City of Passi Arena.
Pinapatay ng 4-point shooting ni Paul Lee ang Team Scottie, may sundot pa ang veteran mentor.
“Kunin mo si Paul,” ani Guiao kay Mark Barroca nang ipasok kapalit ni Marcio Lassiter. “Tirahin mo, ha.”
Nang ipasok muli si Lee, si Kevin Alas naman ang itinoka niya:
“Sa ‘yo ‘yan, tirahin mo.”
Nagkaroon ng ilang tsansa ang Team Scottie na tumabla mula sa 4-point line sa final seconds pero ayaw pumasok ng mga tira nina Scottie Thompson at CJ Perez.
Masaya lang ang laro, alam ng lahat na nagbibiro ang coach.
“Malas!” sigaw ni Guiao pagtunog ng final buzzer ng 140-136 win ng Team Japeth. (CARD)
-
Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup
Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup. Matatandaang kabilang ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup. Sisipa ang FIFA Women’s World […]
-
Gobyerno, handang suportahan ang mga biktima ng Bulkang ‘KANLAON’ – PBBM
SINIMULAN na ng gobyerno ang pamamahagi ng food packs at iba pang tulong sa 80,000 residente na apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon, araw ng Lunes. Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya. Sa katunayan, bumiyahe na si Department of […]
-
Japeth Aguilar, Adrian Wong ipinatatawag ng PBA hinggil sa video ng 5-on-5 game
Ipinatatawag ngayon sa PBA Commissioner’s Office sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine upang makuha ang kanilang panig tungkol sa umano’y paglabag sa umiiral na quarantine protocols. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakatakda niyang pulungin sina Aguilar at Wong sa darating na Lunes matapos kumalat sa online […]