• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COC filing larga na, libong pulis ikakalat

KASADO na ang pag­hahanda ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad sa mga lugar na pagdadausan ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 national at local elections, na magsisimula, Oct 1.

 

 

Sinabi ni NCRPO Director, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na may 1,389 tauhan ng NCRPO ang ipapakalat upang mapahusay ang police visibility sa lahat ng itinalagang lokasyon sa paghahain ng COC, kabilang ang mga tanggapan ng Comelec at iba pang pangunahing lugar.

 

 

Inatasan din ni Nartatez ang mga district director na tiyaking may sapat na tauhan na nakatalaga upang pamahalaan ang crowd control, at daloy ng trapiko at magbigay ng tulong sa pamamagitan ng mga help desk para sa mga kandidato at publiko.

 

 

Tuluy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng NCRPO sa Commission on Elections (Comelec), local government units, at iba pang pangunahing stakeholder para matiyak ang maayos na proseso sa rehiyon sa filing ng COC sa loob ng Oktubre 1-8, ani Nartatez.

 

 

Tiniyak ng Team NCRPO sa publiko ang kanilang kahandaan na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa buong panahong ito. Ang mga pagpupulong ng koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at stakeholder ay nagpapatuloy upang matugunan ang mga posibleng hamon at matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga umuusbong na sitwasyon.

 

 

Umapela rin si Nartatez sa publiko na ma­kipagtulungan sa mga awtoridad at igalang ang mga alituntunin at regulasyon na itinakda ng Comelec.

 

 

 

“Let us all work together to make this crucial step in our democratic process peaceful and orderly,” aniya pa.

Other News
  • Willie, ibinalita na tutuparin ang mga Christmas wish

    NAG-POST sa kanilang social media accounts ang Concha’s Garden Cafe, Quezon City ni Alden Richards, last Sunday evening, November29, ng pasasalamat sa kanilang mga customers na tinangkilik ang dine-in restaurants nila ng ilang taon.   “Thank you for enjoying our food until December 31, 2020.” (Till we eat again Q.C)   Most affected ng pandemic […]

  • MASSAGE PARLORS, TUTUTUKAN SA HUMAN TRAFFICKING

    TUTUTUKAN   ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga massage parlors na sangkot sa human trafficking ngayon na ang Metro Cebu ay gumaan ang quarantine restrictions .     Ito ay bunsod  sa pagkakaaresto ng NBI field office sa Mandaue City ang tatlong personalidad kasunod ng  simultaneous counter-human trafficking operation isa dalawang  massage parlors sa […]

  • US Open champ Emma Raducanu, laglag agad sa first match ng Indian Wells

    Agad pinayuko ng Belarusian tennis player na si Aliaksandra Sasnovich ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu sa secound round ng Indian Wells tennis tournament.     Tinalo ng 27-anyos na si Sasnovich ang kampeyon sa score na 6-2, 64.     Nagkaroon ng problema sa accuracy at energy level ang 18-year-old British […]