• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na limang taon upang maitatag ang trust fund para sa kapakinabangan ng mga coconut farmers at kaunlaran g industriya.

 

Ang bagong batas na kilala rin bilang “Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act,” ay inaasahang magbibigay benepisyo sa mga coconut farmers at sa mga nagmamay-ari ng hindi hihigit sa limang ektarya ng coconut farm.

 

Itinatakda sa ilalim ng bagong batas ang pagtatatag ng coconut farmers and industry development plan na mag-oobliga rin sa Philippine Coconut Authority (PCA) na kumonsulta sa mga coconut farmers at sa kanilang mga organisasyon at iba pang samahan sa pagpapatupad ng mga polisiya para sa kaunlaran at rehabilitasyon ng industriya sa loob ng 50 taon.

 

Kailangan namang sumunod ng PCA sa ilang layunin kung saan kabilang ang mga sumusunod:

 

Pagpapataas ng produksyon at kita ng mga magsasaka ng niyog;

 

 

Pagpapagaan ng kahirapan, edukasyon at sosyal na pagkakapantay-pantay;

 

At rehabilitasyon, modernasyon ng industriya ng niyog tungo sa magandang produksyon;

 

Habang kailangan namang nakapaloob sa plano ng National program ang mga sumusunod:

 

Community-based enterprises

 

Sosyal na pagpoprotekta sa mga magsasaka at manggagawa ng niyog sa mga sakahan kasama na ang kani-kanilang mga pamilya

 

Pagbuo ng grupo ng mga magsasaka ng niyog at pagpapabuti nito

 

At ang mga innovative research projects

 

Magugunitang, ibinasura ni Pangulong Duterte ang kaparehong bill noong 2019 kung saan ipinaliwanag ng Pangulo na ang dahilan ng kanyang pag-veto sa panukala ay ang aniya’y kawalan ng “vital safeguards” upang maiwasan ang mga nakaraang pagkakamali at posibleng paglabag sa Saligang Batas. (Daris Jose)

Other News
  • BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19

    NAKATAKDANG  italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo.     Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing  Archdiocese.     Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo  upang makatulong sa pangangasiwa […]

  • COVID-19 pandemic positibo ang epekto para kay Obiena

    Kung negatibo ang pagtanggap ng mga tao sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay may ‘positibo’ naman itong epekto para kay Olympic Games-bound Ernest John Obiena.   Sa isang episode ng “For The Love of the Game” ay sinabi ni Obiena na binago ng COVID-19 ang kanyang katauhan at kaisipan.   “I learned a lot. I […]

  • ‘Doctor Strange 2’ Video Reveals Illuminati & Charlize Theron’s Clea

    OFFICIAL footage from Doctor Strange in the Multiverse of Madness reveals the introduction of the Illuminati and Charlize Theron’s Clea.     Marvel Studios’ latest blockbuster brings back Benedict Cumberbatch into the MCU after his involvement in Spider-Man: No Way Home. In the film, he is faced with the difficult task of protecting America Chavez […]