• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas ma­raming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad.
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasaluku­yang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo at unibersidad.
Sinabi ni Laudiangco na asahan na magkakaroon ng registration sites sa mga nangungunang unibersidad at kolehiyo sa lalong mada­ling panahon.
Pinaplano nilang magsagawa ng RAP sa ilang mga institusyong pang-edukasyon sa Enero 2023.
Nagsimula ang pagpapatupad ng RAP noong Disyembre 17, at magtatapos sa Enero 22, 2023— tuwing Sabado at Linggo, maliban sa Disyembre 24, 25, at 31, 2022 pati na rin sa Enero 1, 2023.
Sa kasalukuyan, ginaganap ang RAP sa SM Mall of Asia, SM Fairview, SM Southmall, Robinson’s Place Manila, Robinson’s Galleria, Robinson’s Mall Tacloban, SM City Legazpi, at Robinson’s Mall Naga.
Nakipag-coordinate na rin sila sa Department of Transportation (DOTr) para lalo pang isulong ang RAP.
“Sa MRT at LRT, may posters na rin po diyan. Tumutulong ang Department of Transportation pati na rin po sa ibang mga terminal para maipakalat sa ating mga kababayan ang registration na nagaganap,”aniya pa. (Daris Jose)
Other News
  • Saso umangat sa ranking, Pagdanganan bumulusok

    UMAKYAT ng limang baitang si Yuka Saso sa Rolex 15th World Women’s Professional Golf Rankings 2020 nang humanay sa pitong magkakabuol para seventh place finish sa wakas sa kapapalo na 75th US Women’s Open 2020 sa Houston, Texas.   Sinakop ang ika-45 puwesto buhat 50th sa nagdaang linggo ng 19 na taong-gulang na  Fil-Japanese rookie […]

  • Bulacan 911, maaari ng tawagan para sa anumang emergency

    LUNGSOD NG MALOLOS– Operasyunal na at maaari nang tumawag sa emergency hotline 911 ang mga Bulakenyo para sa anumang uri ng emergency na nangangailangan ng agarang tugon matapos pormal na ilunsad ang Bulacan 911 kaninang umaga sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na matapos ang matagal na paghihintay, mabilis […]

  • 3 OSPITAL, MAUUNA PARA SA COVID- 19 VACCINE

    TATLONG  ospital sa National Capital Region (NCR) ang  tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabebenipisyuhan ng Covid-19 vaccine sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.   Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital  kabilang ang UP-Philippine General Hospital,  Lung  center of the Philippines at Dr. Jose Memorial […]