• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comeback movie, inaasahang maghi-hit: XIAN, umaming nagkahiyaan sila ni KIM nang muling nagka-eksena after eight years

MAY kutob kaming ang comeback movie ng real-life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim ay maghi-hit kapag nagsimula na itong ipalabas sa mga sinehan simula sa September 28.

 

Ang VIVA Film’s movie nila “Always” ay isang Pinoy adaptation ng Korean hit movie noong 2011 na pinagbibidahan nina Han Hyo Joo at So Ji Sub.

 

Matagal silang hindi napanood na magkasama sa movie at bukod dito, ngayon lang din mapapanood sina Kim at Xian sa isang melo-drama genre. Ang “Always” ay hindi romcom kaya bago ito para sa kanila at the same time, sa mga fan nila.

 

Sabi nga ni Xian, “Ang tagal na rin kasi para sa amin ni Kim, seven to eight years na hindi kami nakagawa ng movie, nakakapanibago.”

 

Pag-amin pa niya, kahit na sila naman in-real-life at palaging magkasama, may konting hiyaan pa raw sila sa unang beses nilang magka-eksena.

 

“Sa totoo lang, iba kasi ang environment ng paggawa ng pelikula. Paano ba? May gano’n. Pero it’s such a joy ‘yung feeling na we’re working together again.”

 

Natuwa naman si Kim na first movie niya sa VIVA Films at napayagan siyang gumawa kasama si Xian.

 

 ***

 

IBANG klase ang actress na si Jean Garcia. 

Hindi pa tapos ang kanyang primetime series na “Lolong” pero heto at magsisimula na siyang mapanood sa GMA Afternoon Prime naman sa “Nakarehas na Puso.”

 

Si Jean ang bida sa teleseryeng ito kaya siya talaga ang literal na lagare sa mga proyekto sa GMA-7. 

At ano ang masasabi niya rito?

 

“Siguro nakita lang din po ng GMA… ako po kasi, pagdating sa trabaho, kinakalimutan ko lahat ng personal.  Kapag nasa taping ako, hangga’t maaari, iniiwasan ko na may dala-dala ako.

 

“Pagdating sa trabaho, hindi 100%, 101% po talaga ang commitment ko. Siguro po, nakikita ng GMA ‘yon,” sey niya.

 

At pasasalamat nga lang daw talaga ang meron siya sa Kapuso network. Lalo na sa “Nakarehas na Puso” na talagang ibang klase ang pagiging challenging ng role niya. 

 

“Ako naman po, very grateful na hanggang ngayon, kinukuha, nagtitiwala sila sa akin. Kaya yung ibinibigay nila sa akin, gusto ko pong maibalik sa kanila ng higit pa. Kaya kahit anong role ang ibigay nila sa akin, nasa puso ko na po ‘yan at tatapusin ko po ‘yan ng maayos.”

 

Sa September 26 na ang world premiere ng “Nakarehas na Puso” at kasama rin dito ang comebacking actress na si Michelle Aldana.  Gayundin sina Claire Castro, Vaness del Moral, Leandro Muñoz at EA Guzman.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Antibody testing sa NBA, ipatutupad

    Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga.   Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang […]

  • INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents

    INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act kung saan umabot sa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. (Richard Mesa)

  • Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill

    IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso.   “When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is […]