COMELEC AT E-MONEY TRANSFER WALA PANG KASUNDUAN
- Published on February 10, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Peb. 8, na wala pang konkretong kasunduan sa mga e-money transfer companies para masubaybayan ang mga aktibidad sa pagbili ng boto.
Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesperson James B. Jimenez na ang poll body ay sinusubukang gawin ang isang bagay sa usaping ito.
“Wala pa tayong (We still have no) concrete agreements with different wallets but we’re trying to get something done,” sabi ni Jimenez sa online press briefing.
Ang problema sa pagsubaybay sa mga e-money transfers, ayon kay Jimenez, ay medyo mahirap ayusin ang katotohanan na halos walang patunay sa naturang maling gawain
“How can you prove that your particular use of an e-wallet is for criminal purposes,” wika nito.
Binanggit din ni Jimenez na ang pagbibigay ng pera sa isang sulok ng kalye ay ibang senaryo sa e-payment.
“It’s a little trickier so the problem there is to first define the criminal activity,” sabi pa ni Jimenez.
“When you are talking about e-payment systems, that’s still very complicated. We’re still working on it,” dagdag nito
Ang e-money transfer ay naging talamak sa panahon ng pandemya kung saan ilang pamahalaang lokal din ang gumamit ng e-money transfer para mamahagi ng ayuda.
Sinabi pa ni Jimenez na ang depinisyon ng vote-buying ay talagang nagsasabi na iyon ay ang pagpapalitan ng halaga para sa pangako ng isang boto
“Traditionally, vote-buying is considered to be an Election Day activity, or if not Election Day itself, then definitely in close proximity to the day of elections,”
“But please remember that the definition of vote-buying does not specifically state that it only happens… days before elections.” pahayag pa ni Jimenez.
Sinabi ng tagapagsalita ng poll body na kung ang pagbili ng boto ay ginawa sa panahon ng halalan, “kung gayon ito ay maaaring maisip na isang posibleng paglabag sa pagbili ng boto.” (GENE ADSUARA)
-
4 na biktima ng trafficking, ni-rescue
NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigrations (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang apat na biktima ng trafficking na tinangkang magtrabaho sa isang beauty at spa industry sa Qatar. Ayon sa mga opisyal ng BI Immigration Protection and Border Enforcement section (I-PROBES) na ang mga biktima na pawang mga […]
-
Yorme Isko nasa Top 3 ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa
ISANG malaking karangalan, hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa, ang pagkakabilang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang isa sa mga lalaki at babaing hinahangaan sa Pilipinas. Tanging si Mayor Isko Moreno lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong kapuluan ng bansa ang napabilang sa […]
-
PDU30, pupunta ng US para magpasalamat sa suplay ng bakuna laban sa COVID-19
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpunta sa Estados Unidos para pasalamatan ito sa pagsu-supply sa Pilipinas ng ilang milyong COVID-19 jabs. Matapos makumpirma mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Estados Unidos ay magpapadala ng 5 milyong higit pa ng COVID-19 vaccine shots sa Pilipinas, pinuri ng […]