• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec, hiniling kay Duterte na ideklarang special non-working holiday ang May 9

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang special non-working holiday ang mismong araw ng eleksyon na gaganapin sa Mayo 9.

 

 

Ito ay upang matiyak na lahat ng mga rehistradong botante sa bansa ay makakalahok sa pambansa at lokal na halalan ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na sa ilalim ito ng nilagdaan ng Comelec en banc na Resolution No. 10784 na humihiling sa pangulo na gawin ngang special non-working holiday ang nasabing araw upang magbigay daan sa gaganaping eleksyon.

 

 

Sa datos, nasa 65.7 million na mga Pilipino ang rehistradong mga botante sa bansa, habang nasa 1.69 million naman ang mga naitalang overseas Filipino voters ngayong taon.

 

 

Habang nasa 84,000 naman ang mga kawani ng gobyerno, pulisya, at media ang pinahintulutan na bumoto ng mas maaga sa Mayo 9 sa pamamagitan ng local absentee voting na nakatakdang magtapos naman ngayong araw.

Other News
  • PDu30, naniniwala na maaaring maging Pangulo ng bansa si Willie Revillame

    NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring maging pangulo ng bansa ang TV host na si Willie Revillame.   Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang video na lumabas noong nakaraang linggo kung saan hinihikayat ni Pangulong Duterte si Revillame na tumakbo sa pagka-senador.   “I have a copy of the video greeting of […]

  • OCTA, HINDI NANGANGAMBA SA PANIBAGONG SURGE

    HINDI nangangamba ang OCTA sa panibagong surge ngayong holiday season matapos na walang namo-monitor na panibagong ngayong  nalalapit na ang Kapaskuhan kung saan inaasahang  maglalabasan ang mga tao.     Ayon ito kay  OCTA Research  Group Fellow Dr. Guido David at sinabi na maliban sa isa na mula Delta variant o ang tinawag na sub-variant […]

  • Pagpayag sa NFA na bumili, magbenta ng bigas, hakbang para maging matatag ang presyo ng kalakal-DA

    MULING inulit ng Department of Agriculture (DA) na ang hakbang na muling payagan ang National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng mas murang bigas ay pinaniniwalaang magiging dahilan ng pagtatag ng presyo kapag ang retail price ay “masyadong mataas .”     Sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na […]