• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Concepcion, muling itinulak ang Alert Level 1 sa NCR para sa susunod na buwan

MULING inulit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang panukala nito na ide-escalate ang quarantine status sa National Capital Region sa mas mababang Alert Level 1.

 

 

Layon nito na palakasin ang economic recovery ng bansa.

 

 

“We recommended moving to Alert Level 1, sana by March. Matagal na ang sitwasyon na on-and-off ang ating ekonomiya,” ayon kay Concepcion.

 

 

“Dapat Alert Level 1 na tayo. Nakikita natin per trajectory talagang bumababa na ang mga kaso, bumabagsak na siya. Dito sa NCR at iba pang lugar sa bansa na mababa na talaga ang kaso ng COVID-19, dapat ilagay na sa Alert Level 1 o new normal,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nito lamang nakaraang linggo, sinabi ng OCTA Research na ang kaso ng COVID-19 ay bababa ng 1,000 sa buwan ng Marso.

 

 

Ani Concepcion, kung ang Kalakhang Maynila ay ibababa sa Alert Level 1 sa Marso, ang first quarter gross domestic product ng bansa ay lalago ng 6%.

 

 

Ang gross domestic product ng Pilipinas ay tumaas ng 7.7% sa fourth quarter ng 2021, dahilan para maging 5.6% ang full-year growth.

 

 

Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mas gagaan ang NCR sa susunod na buwan, “which could translate to over P11 billion in income, and over 191,000 jobs to the economy.”

 

 

Ang Kalakhang Maynila ay na- upgrade sa Alert Level 3 noong Enero 3, 2022, at kalaunan ay na-downgrade sa mas pinagaan na Alert Level 2 simula noong Pebrero 1, 2022.

 

 

Ipinanukala ni Concepcion na bawasan ang five-level COVID-19 alert system sa tatlo, at kailangan na gumana gaya ng tropical cyclone warning system.

 

 

Aniya, ang panukalang alert level system ay ilalagay lamang kapag mayroong surge ng Covid-19 cases.  (Daris Jose)

Other News
  • Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba sa 2.76M – PSA

    NAKAPAGTALA ang Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang bahagi ng taong ito.       Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagrecover ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.       Sa idinaos na press conference ng naturang kagawaran kaninang […]

  • ELLEN, nagsalita na at nagpaliwanag sa isyu nang pagwo-walkout sa taping ng ‘John en Ellen’

    NAGSALITA na nga si Ellen Adarna tungkol sa isyu nang pagwo-walkout diumano sa last taping day ng sitcom nila ni John Estrada sa TV5, ang John en Ellen.       Na-imbiyerna daw ang buong production ng sitcom dahil bigla na lang daw umalis si Ellen ng taping sa Laiya, Batangas, kaya hindi raw natapos ang […]

  • JOHN LLOYD, wish ng netizens na i-partner kay JENNYLYN at MARIAN ‘pag naging Kapuso na

    MUKHANG wala nang makapipigil pa kay John Lloyd Cruz sa pagiging Kapuso.     Sa post ng @kapusoprgirl noong Lunes, June 14 nakitang kasama ni John Lloyd ang GMA-7 Films president and programming consultant to the GMA chairman na si Annette Gozon-Valdes.     Naganap nga ang muling pagkikita at pag-uusap after a week mula […]