Confidential and Intelligence Funds, bumaba ng 16% sa panukalang 2025 national budget -DBM
- Published on July 31, 2024
- by @peoplesbalita
BUMABA ng 16% ang confidential and intelligence funds (CIFs) sa panukalang 2025 national budget kumpara sa alokasyon nito sa 2024 General Appropriations Act (GAA).
Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na inaprubahan ng DBM ang kabuuang P10.29 billion (B) budget para sa CIFs, kung saan ang P4.37B ay inilaan para sa Confidential Expenses at P5.92B para naman sa Intelligence Expenses.
Sa 2024 GAA, ang CIF ay binigyan ng P12.38B allocation.
“Bumaba po ng 16% ang allocation para sa confidential and intelligence funds sa 2025 NEP kumpara sa alokasyon nito sa 2024 GAA,” ayon sa Kalihim.
Sinabi pa ni Pangandaman na nakatanggap ang DBM ng kabuuang CIF budget proposal na P11.39 billion mula sa iba’t ibang ahensiya, P5.22B ay para sa CF at P6.17B para naman sa IF.
Binigyang diin ni Sec. Pangandaman na ang mga ahensiya ay kinakailangan na sundin ang guidelines sa paggamit ng CIFs. (Daris Jose)
-
‘Maximum tolerance’ tiniyak ng PNP sa paglabas ng mga bata
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang paiiralin ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad sa panibagong protocol ng Inter Agency Task Force hinggil sa pagpayag na lumabas na rin ang mga bata sa iilang lugar. Inihayag ito ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kasabay ng paalala sa mga magulang na kailangan pa rin […]
-
10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City
SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles. Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules. Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police […]
-
Valenzuela LGU nagbigay ng P5M halaga ng bigas sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng VC Cares Plus Program ng P5 milyon halaga ng bigas sa probinsya ng Oriental Mindoro at ilang mga munisipalidad na lubhang naapektuhan ng kamakailan. Pinangunahan ang VC Cares Team ni Senator WIN Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at City Social Welfare Operations Chief of Staff, Ms. […]