• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cong. Tiangco nagpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na positibo siya sa COVID-19 makaraang lumabas sa kanyang RT-PCR na kumpirmado ang naging resulta nito.

 

 

Sa post niya sa kanyang facebook account, unang sinabi ni Cong. Tiangco nagpositibo siya sa kanyang antigen test kaya’t agad siyang nagpa RT-PCR test.

 

 

“Mabuti naman po ang aking pakiramdam at kasalukuyan po akong naka-quarantine. Patuloy po akong magbibigay ng ulat sa inyo tungkol sa aking kalagayan” ani Cong. Tiangco.

 

 

Nanawagan siya sa kanyang mga nakasalamuha na mainam na magpa-swab test para na rin para sa kanilang kaligtasan. Libre aniya ang RT-PCR swab test at makipag-ugnay lamang sa kanilang barangay o health center.

 

 

“Sa kabila ng lahat ng aking pag-iingat, hindi pa rin po ako nakaligtas sa virus na ito. Sabi nga nila, OA ako dahil doble-doble ang aking face mask, di ako umiinom o kumakain kapag nasa labas, at nagbibihis at naliligo agad pagdating ng bahay. Gayunpaman, nahawaan pa rin po ako. Kaya higitan n’yo pa po ang inyong pag-iingat, lalo na kung di talaga maiwasang lumabas ng bahay para magtrabaho” pahayag ni Cong JRT.

 

 

“Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para maipagpatuloy ang aking mga tungkulin at mga programang ating nasimulan” dagdag niya.

 

 

Nagpapasalamat ang mambabatas sa lahat ng mga nag-aalala at mga nanalangin para sa kanyang paggaling sa lalong madaling panahon. “Sa awa ng Panginoon, malalampasan din po natin ang pagsubok na ito!” Sabi niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Olympic at SEAG-bound delegates babakunahan na sa Biyernes

    Sa Biyernes sisimulan ang pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at sa Southeast Asian Games.     Gagawin ang bakunahan sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St. sa Maynila, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.     “Ang […]

  • Heat players Adebayo at Dragic kuwestiyonable pa ring makapaglaro sa Game 4

    LABIS pa ring umaasa sina Miami Heat players Bam Adebayo at Goran Dragic na payagan na sila ng kanilang mga team physician na makapaglaro sa Game 4 NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.   Sa ngayon kasi ay question- able pa rin ang status ni Adebayo dahil sa neck strain habang si Dragic ay […]

  • TANGGAPAN NG IMMIGRATION, SARADO PA

    MANANATILING sarado hanggang ngayon (Huwebes) ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila para maipagpatuoy ng mga empleyado ng ahensiya na sasailaim sa rapid anti body test para sa COVID 19 virus.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na halos kalahati lamang sa 700 na empleyado ang nakapag-test nitong Lunes at […]