‘Conscience vote’ sa divorce bill lalarga sa Senado
- Published on May 25, 2024
- by @peoplesbalita
SINIGURO ni Senate President Chiz Escudero na paiiralin sa Senado ang “conscience vote” pagdating sa pagboto sa panukalang diborsyo sa Pilipinas.
Ayon kay Escudero, ang magiging posisyon ng Senado sa divorce bill ay conscience at personal vote at ibabatay sa kung ano ang kanya-kanyang paniniwala at relihiyon ng bawat senador.
Wala rin aniya siyang balak na diinan o diktahan ang mga senador para paboran o tutulan ang panukala.
Subalit kung si Escudero ang tatanungin, hindi diborsyo kundi mas gusto niyang palawakin at gawing abot-kaya at accessible ang annulment sa ilalim ng family code.
Pinuna naman ng Senate President ang boto sa inaprubahang divorce bill sa Kamara na noong una ay 126 ang pabor, 109 ang tutol at 20 ang abstain,subalit kinalaunan ay itinama na ang bilang sa 131 ang pabor at pareho pa rin ang numero ng tutol at abstain.
Subalit maaari naman anya itong gawing basehan ng mga anti-divorce na kongresista para kwestyunin ang pagkakapasa ng naturang panukala. (Daris Jose)
-
PDu30, nilagdaan na ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 o “An Act Establishing the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Program Expediting the Vaccine Procurement and Administration Process, Providing Funds Therefor, and for other purposes”. Layon nitong mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines at paglalaan ng indemnity fund na P500 […]
-
Latest update sa isyu ng Covid -19, pinag-usapan ng ilang miyembro ng gabinete ni PDu30
TINALAKAY ngayon ng ilang miyembro ng gabinete ang latest update ukol sa usapin ng COVID-19. Kabilang sa mga napag-usapan ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng hazard pay ng healthcare workers. Inaasahan naman na maide-deliver ang dalawang milyong bakuna ngayong Abril 2021 kung saan ang 1.5-M ay manggagaling mula sa Sinovac. […]
-
Rianne Malixi apektado ang pagpalo sa sobrang lamig
BINABAGABAG ng malamig na klima, nagkasya si Rianne Mikhaela Malixi sa 78 para maiwan ng nine-stroke ni Vanessa Zhang ng Canada makaraan ang 18 butas ng Citrus Golf Trail Ladies Invitational nitong Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas) sa Sun ‘N Lake course sa Sebring, Florida. May isang birdie lang ang Pinay golfer na kinakalinga […]