Construction ng bagong Navotas Polytechnic Collage, sinimulan na
- Published on January 22, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na sinimulan na ang construction ng bagong four-story building ng Navotas Polytechnic Collage (NPC) para lalo pang maitaas ang antas ng de-kalidad na edukasyon ng bawat kabataang Navoteño.
Ayon kay Cong. Tiangco, ang bagong pinagandang NPC na may roof deck ay magkakaroon ng 28 classrooms, siyam na laboratories para sa speech, computer at science laboratory, research and publication room, library, audio-visual room, at multi-purpose room.
Magkakaroon din ito ng medical at dental clinic, indoor gymnasium, outdoor sports at activity area na may volleyball at badminton court, indoor at outdoor study areas, canteen, indoor garden at atrium.
Samantala, sinabi naman ni Mayor Toby Tiangco, ang NPC na naging bahagi ng pagtgatapos ng 26 batches ng kabataang Navoteño ay sinimulan ng pagtayuan ng mas malaki at mas modernong estraktura para patuloy na maisulong ang de kalidad na edukasyon.
Dagdag pa ni Mayor Tiangco, pagnatapos ang construction ng NPC ay makakapagbukas pa ng mas maraming libreng kurso para sa mga Navoteño.
“Nagpapasalamat tayo sa DPWH at sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas na naging katuwang po natin sa proyektong ito. Yaman ng Navotas ang kabataang Navoteño kaya hindi tayo titigil sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa ating lungsod para masiguro ang kanilang kinabukasan,” pahayag ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)
-
Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators
UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program. Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators […]
-
Mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas, nagsumite na sa DILG ng ‘unvaxxed list’
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nagsumite ng listahan ng mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang data na ito ay naglalayon na […]
-
Community transmission ng Delta variant sa Pinas kumpirmado
May nagaganap ng community transmission ng Delta variant sa bansa sa gitna ng tumitinding pagsipa ng mga kaso nito kahit wala pang natutukoy kung saan nagmula. Ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma, dahil sa kalat na kalat na sa iba’t-ibang rehiyon sa Pilipinas ang Delta variant, para sa […]