Contingency funds makakatulong sa mga OFW sa Israel
- Published on October 11, 2023
- by @peoplesbalita
MAAARING gamitin ng gobyerno ang contingency funds para tulungan ang mga apektadong Pilipino sa Israel matapos pag-atake ang Palestinian Islamist group na Hamas noong Sabado.
“Contingent fund may be used for their repatriation and generate jobs for affected Filipinos. The government must come up with economic plans to cushion their abrupt termination of work,” ani Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin.
Idinagdag nito na ang contingency ay mahalaga para sa mga emergency situation.
Hinimok din ng mambabatas ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, at idiniin na ito prayoridad ng pamahalaan.
Nauna nang sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na “closely monitoring” ang kalagayan ng 24,807 Filipino sa Israel.
Sinabi ni OWWA Administrator Arnelle Igancio na nasa 200 empleyadong Pilipino ang nakabase sa Gaza Strip, na sinasalakay na lugar ng militanteng grupo ng Hamas.
Samantala, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nagbukas ang DMW ng hotline at ilang Viber at WhatsApp hotline numbers na tatanggap ng mga tawag at katanungan mula sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Filipino community na nangangailangan ng tulong ng gobyerno. (Ara Romero)
-
1,943 traditional jeepneys balik kalsada
Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit […]
-
Pagtapyas sa taripa sa rice imports, pinag-uusapan na- Diokno
PATULOY na tinatalakay ng Department of Finance (DoF) sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang panukalang tapyasan ang taripa sa rice imports habang naghahanap ng “the greatest good for the greatest number.” Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang ibaba ang taripa ay kasalukuyang tinitingnan bilang bahagi ng“comprehensive strategy” para tapyasan […]
-
New look sa bagong chapter ng buhay: KATHRYN, nag-iba ng kulay ng buhok na pinusuan ng mga netizen
MAY mga babae na nagpapalit ng hairstyle kapag nakipag-break sa kanilang boyfriend. New look para sa bagong chapter ng buhay nila. Sa latest Instagram post ni Kathryn Bernardo, nag-iba ito ng kulay ng kanyang buhok na pinusuan ng maraming netizen. Kulay orange ang buhok ngayon ni Kathryn at mas […]