• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COTY contenders, handa ng lumantad

NAKAHANDA na ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Lunes, Marso 9, sa Pasay City Cockpit.

 

Inihayag kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo, na pagkaraan ng 7-bullstag derby sa Marso 9, 16 at 23, maaaring lumitaw na ang top 10 COTY contenders. Sisiyapol ang ikatlo at huling leg Encuentro 5-Bullstag Derby sa Abril 3 na mga itataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Nakatrangko sa COTY sa 6.5 points sina LGBA founding members Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line. Humihinga sa batok nila sa 6 markers sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, lawyer Jun Caparroso ng Jungle Wild at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores na may dalawang manok.

 

Samantala, larga ang taunang Jerald Cup 4-Cock Derby sa PCC sa Biyernes, Marso 6.

 

Mangyaring alamin ang iba pang mga detalye kina Erica at Ace sa 0945 4917 474, 0939 4724 206, 8843 1746 at 8816 6750. (REC)

Other News
  • Putol kuryente itigil muna – Duterte

    Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na nagbabawal sa pagputol ng kuryente ng mga “lifeliners” o low-income households.     Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, iiral ang “no disconnection” policy hanggang ngayong buwan ng Pebrero.     Ang mga “lifeliners” ay ang mga kabahayan na hindi lumalampas sa 200 kilowatt hour  ang konsumo […]

  • ICC prosecutor, hiniling sa korte na tanggihan ang apela ng Pilipinas

    HINILING ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan sa  ICC Appeals Chamber na tanggihan ang apela ng Pilipinas sa  desisyon na  pahintulutan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay sa  drug war killings sa Pilipinas.     Sa 59 pahinang dokumento na may petsang Abril 4, sinabi ni Khan na nabigo ang gobyerno na magpakita ng […]

  • Red-Scare o Red-Tagging sa mga nag-organisa itigil na!

    “Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay batay sa kakayahan”.      Yan ang motto ng Maginhawa Community Pantry at ilan pang katulad nito na tinatangkilik ng mga nangangailangan at nagbibigay ng pangangailangan. Maraming natutulungan at tumutulong. Pero nabalot sa kontrobersya nang nag post sa official FB ng Quezon City Police District ng pag “red-tag” sa mga […]