• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Country classification, suspendido simula Pebrero 1

SIMULA Pebrero 1, 2022 ay suspendido muna ang country classification o ang green, yellow at red classification ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon

 

 

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secetary Karlo Nograles, base ito sa ipinalabas na IATF resolution No. 159.

 

 

Sa darating na Pebrero 10 naman ay bubuksan na ng Pilipinas ang pagpapasok sa mga dayuhan basta’t fully vaccinated at galing sa non-visa required country.

 

 

Ani Nograles, for business purposes din dapat ang pakay ng pagpunta dito sa bansa ng mga kinauukulan habang pinapayagan na din ang for tourism purposes.

 

 

Maliban naman sa nakakumpleto na ng bakuna, dapat lang ding makapagpakita ng negative RT- PCR test result ang arriving passenger na kinuha 48 oras bago ito lumapag sa bansa.

 

 

Paglilinaw ni Nograles, para sa mga fully vaccinated na foreign at Filipino travellers saan mang bansa sila galing at papasok ng Pilipinas kailangan nilang magpakita ng valid negative RT PCR test.

 

 

Pinagtibay din ng IATF na hindi na kailangan pang dumaan sa mandatory facility based quarantine ang mga ito at ang kailangan na lang ay mag- self monitor ng pitong araw.

 

 

Sinabi ni Nograles, para naman sa mga Unvaccinated or partially vaccinated required na magpakita ng valid na negative RT PCR test.

 

 

Kailangan din aniya nilang sumailalim sa facility based quarantine hanggang sa mailabas ang negative result ng kanilang RT PCR test sa ikalimang araw kung saan kanilang tatapusin ang 14 days quarantine sa kanilang mga tahananan

 

 

Dahil dito ang entry, testing and quarantine protocols para sa lahat ng mga international arriving Filipino at mga foreign nationals ay papayagan na ngunit kailangan na sumunod sa mga ipinatutupad na health standards ng pamahalan.

 

 

Kailangan din aniya ng mga itong mag-report sa Local Government Units (LGUs) sakaling makaramdam ng sintomas.

 

 

SAMANTALA, iaanunsyo ng Malakanyang sa weekend ang bagong alert level system sa NCR at ibang lugar sa bansa.

 

 

Sa ngayon ay masusi pang pinag-aaralan ng IATF kung ano ang susunod na alert level sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Mariin pa rin aniyang binubusisi ng task force ang mga datus hinggil sa kung ibababa na sa alert level 2 ang ncr at iba pang lalawigan o hindi pa.

 

 

Bunsod nito,tiniyak naman ni Nograles na kanilang iaanunsyo ang bagong alert level ngayong darating na weekend.

 

 

Nauna nang sinabi ni Dept of Transportation na kapag nailagay na sa alert level 2 ang kalakhang Maynila, ay otomatikong hindi na rin ipatutupad ang no vaccine no ride policy. (Daris Jose)

Other News
  • Ginebra nakuha ang kampeonato ng PBA Governors’ Cup matapos ang panalo sa Game 6 vs Bolts

    NAKUHA  muli ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng PBA Governor’s Cup finals matapos na ilampaso ang Meralco Bolts 103-92.     Nadomina ng Ginebra ang best of seven finals ng makalamang sa serye ng 4-2.     Sa pagtatapos ng second quarter ay naging tabla pa sa 47-all ang laro.     Dito na umarangkada […]

  • Magparehistro para sa 2022 elections – Comelec

    Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magparehistro na, lalo’t 4 na buwan na lang bago ang deadline para rito.     Target ng komisyon na magkaroon ng 7 milyong bagong rehistradong botante pero nasa 2.8 milyon pa lang ang bilang ng mga nagpaparehistro mula Abril 30. Sa Setyembre 30 nakatakda ang […]

  • DARREN ESPANTO COVERS “TOP OF THE WORLD” FOR “LYLE, LYLE, CROCODILE”

    COLUMBIA Pictures has just unveiled the video of Asia’s Pop Heartthrob Darren Espanto covering Shawn Mendes’ Top of the World from Lyle, Lyle, Crocodile.  The video is a collaboration with UMUSIC PH to celebrate the release of the movie and the original motion picture soundtrack featuring Shawn Mendes. Top of the World is one of the original songs from […]