• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Covid-19 capital na ang Pilipinas, pinalagan ng Malakanyang

PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na Covid-19 capital na ang Pilipinas.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa mga variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas.

 

Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang Pilipinas bilang Number 30 pagdating sa mga total cases ng covid sa buong mundo.

 

Ang active cases ay nasa #22 ang Pilipinas; cases per 1 million ay nasa #134 ang Pilipinas habang pang-#82 naman  ang Pilipinas pagdating sa Case Fatality Rate.

 

“So, kung mayroon po kayong nakitang fake news na tayo raw ay Covid capital.. puwede ba ho ilagay ninyo sa noo nila itong mga ranking na nalathala po WHO,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, inanunsyo ng Malakanyang ang nais nitong makamit matapos ang 7 araw na pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

 

Mapababa ani Presidential Spokesperson Harry Roque ang bilang ng aktibong kaso dala ng covid 19 surge mula sa mahigit 9,000 ngayon.

 

Ipinirisinta ni Sec. Roque ang infographic ng magiging quarantine status matapos ang isang linggong ECQ.

 

“Iyong orange po, iyan ‘yung posibleng mangyari kung wala po tayong ginawa at ito po ay para sa Metro Manila lang. Makikita ninyo pagdating po ng April 4 halos isang milyon na kung hindi  tayo gagawa ng kahit na anong hakbang. Dahil po doon sa ating NCR bubble, mahigit kumulang na mga 800,000  ang magiging kaso natin pagdating ng April 4. Kung tayo naman ay mage-MECQ pa rin mula April 5 to 18, iyan ‘yong green line. Pero, tingnan ninyo naman po ang nais nating makamit, halos kalahati pong kung hindi tayo magi-impose ng kahit na anong measures. Iyong red light  iyong ating objective na sana  umabot ng 550 to 600,000 ang  ang mga kaso sa Metro Manila by April 4. Tapos kung ang ECQ po ay mas matagal o hanggang April 18. iyan nman  iyong blue line,” ang paliwanag ni Sec. Roque.

 

Kaya kailangan  na magbayanihan at kailangan ang kooperasyon ng lahat para pagkatapos ng pitong araw ay maayos na.

 

Sa kabilang dako, bumalik na sa normal ang healthcare capacity na ngayon ay nasa critical level.

 

“Iyan ‘yong second objective natin noh?” ani Sec. Roque.

 

Ang pangatlong objective naman  ay mailigtas ang buhay ng marami.

 

Kasabay nito na ang pag-ECQ ay mapalakas pa lalo ang “prevention, detection, isolation, at treatment”.

 

Sa prevention ay istriktong ipatutupad ang public health standards at safety protocols na mask, hugas, iwas at bakuna.

 

Sa detection naman aniya ay gagawin ang pagba-bahay-bahay para matukoy ang mga aktibong kaso sa pamamagitan ng CODE Team.

 

Sa testing naman ay paiigtingin na sa ngayon ay nasa mahigit 50,000 kada araw.

 

Palalakasin din aniya ang contact tracing sa pamamagitan ng StaySafe.ph

 

Ang mabuting balita pa rin aniya ay plantsadong-plantsado na ang StaySafe.ph

 

At treatment naman  ay pararamihin ang nakakaalam ng One Hospital Command Center para maiwasan aniya ang sabay-sabay na pagpasok sa malalaking ospital.

 

At sa darating na Abril aniya ay magbubukas na aniya ng karagdagang bed capacity kasama na aniya rito ang 110 bed capacity sa Quezon Institute na mayroon aniyang kakayahan na gumamot ng moderate at severe cases. (Daris Jose)

Other News
  • DELTA VARIANT SA CAVITE AT BATANGAS, LOCAL TRANSMISSION LANG

    KLINARO ni  Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo  na ang limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi isang local transmissions.     Ayon kay Janairo na may limang naiulat na kaso at sa limang naiulat, tatlo dito […]

  • PDU30, HINDI NAGMAMADALI NA IPAWALANG-BISA ANG VFA

    HINDI nagmamadali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA)ng Pilipinas sa Estados Unidos.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring i-postpone ni Pangulong Duterte para sa panibagong anim na buwan ang termination o pagtatapos ng VFA.   “That (VFA termination) has an option of being further extended by another […]

  • Pagbangon ng ekonomiya prayoridad ni Leni – Trillanes

    PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang priority ni VP Leni Robredo.     Ito ang binigyang diin ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes sa plano ni Robredo na “post-COVID recovery” na tutulong sa pagba­ngon ng mga maliliit […]