• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases, posibleng pumalo ng 11-K kada araw sa kapatusan ng Marso – experts

Posible umanong pumalo sa 11,000 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa pagsapit ng katapusan ng buwan ng Marso.

 

 

Ito ngayon ang lumalabas sa bagong pagtaya o calculation ng OCTA Research group.

 

 

Sinabi ni Professor Guido David na base kasi sa reproduction number ay tumaas pa sa 2.03, ibig sabihin ang bawat positibo sa virus ay maaring makahawa ng dalawang katao.

 

 

Sinabi ni David na karamihan sa mga naitatalang may pagtaas ng kaso ng covid ay ang Metro Manila pero bumagal naman ang trend sa Pasay, Malabon a Navotas na dati ay mayroong mataas na kaso.

 

 

Dagdag ni David, hindi lamang umano sa Metro Manila nararanasan ang pagtaas ng kaso ng covid kundi pati sa Calabarzon partikular sa Rizal, Cavite at ilang bahagi ng Bulacan.

 

 

Kasunod nito, nanawagan naman si David sa ating mga kababayan na magkaroon na lamang ng personal enhanced community quarantine dahil hindi raw dapat ang national at local government pa ang gagalaw rito at ito ay para raw sa isa’t isa.

Other News
  • PAGTAAS NG KASO NG COVID-19, HINDI SECOND WAVE SA PINAS

    HINDI  pa rin  maituturing na ‘second wave’ ang nararanasang panibagong pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayon dahil hindi pa tuluyang napababa ang kaso o na-flatten ang curve, ayon sa World Health Organization (WHO).     Sa virtual  Kapihan session ng Department of Health (DOH)  sinabi ito ni  WHO Philippine representative Dr Rabindra Abeyasinghe kung saan […]

  • Lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng Alert level 3, nag- iisa- -IATF

    SINABI ni IATF at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na may isa na lamang na lugar sa Pilipinas ang nasa ilalim ng Alert level 3.   Ito’y sa gitna ng papaganda ng sitwasyon ng COVID 19 sa bansa.   Ani Nograles, ang lalawigan na lamang ng Apayao ang kaisa- isa at tanging lugar sa bansa […]

  • Steph Curry kinilala bilang bahagi nang tinaguriang ‘elite club’

    NAPABILANG na rin daw sa pambihirang elite players ng NBA ang Golden State Warriors MVP na si Stephen Curry matapos na masungkit ang panibagong korona sa NBA finals.     Batay sa NBA history si Curry ang ikaanim umano na player sa kasaysayan na nanalo ng apat na titulo o championships at humakot ng prestihiyosong […]