• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa PNP tumataas

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga  pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel.

 

 

Aminado si Eleazar na nababahala siya sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa kanilang hanay na sumampa na sa 108 ang kanilang fatalities.

 

 

Aniya,  inatasan niya si PNP ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na magsagawa ng imbentaryo sa mga gamot at iba pang mga kagamitan para sa medical needs at proteksiyon ng mga kapulisan.

 

 

Sinabi ni Eleazar na kailangan na lagi silang handa sa mga worst-case lalo pa’t mahigit na sa 100 pulis ang namamatay dahil sa COVID. Dapat din aniyang mag-ingat ang mga pulis kahit na bakunado na ang mga ito.

 

 

Pinaalalahanan niya ang mga police unit heads at mga comman­ders na istriktong ipatupad ang minimum public health standards sa kanilang mga respective offices at police stations para maiwasan ang transmission ng Covid.

 

 

Sa huling datos ng  PNP kahapon, nasa 2,181 ang active cases habang ang nasawi ay nasa 108.

Other News
  • Pinay tennis player Alex Eala bigo sa unang round ng W25 Manacor final leg

    NABIGO sa unang round ng W25 Manacor si Filipino tennis player Alex Eala.     Hindi kasi ito pinaporma ni number 5 seed Giulia Gatto-Monticone sa score 6-2, 6-1.     Sa simula pa lamang ng laro ay dominado na ng 34-anyos na Italian tennis player.     Ito na ang ikatlo at final leg […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.               Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.   […]

  • Asawa ni dating Palace spox Harry Roque, wala na sa Pinas- BI

    KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI), araw ng Martes na ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque Jr. na si Mylah Roque ay wala sa Pilipinas.   Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na umalis ng bansa si Mrs. Roque patungong Singapore noong Sept. 3. “Her lookout bulletin was […]