• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 pandemic positibo ang epekto para kay Obiena

Kung negatibo ang pagtanggap ng mga tao sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay may ‘positibo’ naman itong epekto para kay Olympic Games-bound Ernest John Obiena.

 

Sa isang episode ng “For The Love of the Game” ay sinabi ni Obiena na binago ng COVID-19 ang kanyang katauhan at kaisipan.

 

“I learned a lot. I grew a lot as an athlete this year and as a person. It’s like you learned to appreciate the small things and kind a take it step by step,” wika ng 25-anyos na pole vaulter.

 

“I think that’s one of the good things that the pandemic brought to each one of us is to actually appreciate the small things that we normally wouldn’t even care,” dagdag nito.

 

Nagbalik na sa kanyang ensayo si Obiena sa kanyang training camp sa Formia, Italy sa ilalim ni Ukranian coach Vitaly Petrov matapos ang one-month break noong Oktubre.

 

Hindi pa nakakauwi ng bansa si Obiena matapos angkinin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre.

 

Sa anim niyang podium finishes sa walong sinalihang torneo ngayong taon ay kumolekta ang 6-foot-2 Pinoy pride ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.

 

Ang nasabing gold medal ni Obiena ay sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic kung saan naglista siya ng 5.74 metro.

Other News
  • Ads October 23, 2020

  • Dahil sold out na ang ‘Videoke Hits: OPM Edition’… Birthday concert ni ICE, nagdagdag pa ng isang show sa November 8

    ISANG linggo bago matunghayan ang inaabangang birthday concert ni Ice Seguerra, Videoke Hits: OPM Edition, sa Setyembre 13, pero sold out na agad ang tickets!     Para sa mga hindi nakabili ng ticket, may chance pa para makisaya dahil nagdagdag pa ng isang show sa Nobyembre 8, 2024, sa Music Museum.     Sa […]

  • DAYUHANG TURISTA, BUBUKSAN NA SIMULA FEBRUARY 1

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa February 10, magbubukas na ang boarder ng  bansa para sa pagpasok ng mga dayuhang  turista.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay kasunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na insiyu noong Huwebes na […]