• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 sa Pinas walang pagbabago hangga’t ‘di 50% ang vaccination rate

Wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas hanggang hindi naaabot ang 30% hanggang 50% vaccination rate ng populasyon ng bansa.

 

 

Sinabi ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.

 

 

Nitong Hunyo 8, uma­bot pa lamang sa 4.6 mil­yon ang nabakunahan na katumbas ng 4% ng populasyon ng bansa. Nasa 1.6 milyon ng naturang numero ang nakatanggap na ng ikalawang dose.

 

 

Matatandaan na target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyon ng populasyon. Inaasinta rin nila na mabakunahan ang nasa 58 milyon pagsapit ng Nobyembre.

 

 

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na nais ng mga eksperto na mabakunahan ang 30% ng populasyon bago luwagan ang ‘quarantine restrictions’ ng bansa.

 

 

Habang nagaganap ang ‘vaccination program’, sinabi ni Rye na dapat pa ring sumunod ang publiko sa ‘minimum health standards’ dahil nananatili ang matinding banta ng virus lalo na at maraming lugar sa labas ng Metro Manila ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso at pagkakaroon na ng bansa ng iba’t ibang variants ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • SUNSHINE, na-trauma at nag-regret sa ginawang detailed ‘house tour’ para sa vlog

    ISA sa mga pinakapumatok na vlog ang ‘house tour’ ng mga sikat na personalidad.     Ngunit hindi malayong makatawag ito ng pansin ng mga masasamang-loob, at ang temang ito nga ang ipapakita ng bagong pelikula ni direk Roman Perez, Jr. na siya ring direktor ng Adan (2018), The Housemaid (2021) at Taya (2021).   […]

  • 13 bagong appointees, itinalaga ni PBBM

    IPINALABAS ng Malakanyang ang mga pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay.     Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP).     Kasama rin sa listahan ang bagong apat […]

  • Nelson nagtala ng bagong rekord sa hammer throw

    SUMULAT ng bagong national women’s hammer throw record si Filipino-Canadian Shiloh Corrales-Nelson sa katatapos na Triton Invitational Tourney sa University of California-San Diego track oval sa United States.     Ineklipsehan ng University of California-Riverside track team member sa six and last attempt ang eight-year-old PH mark na 50.55 meters ni Loralie Amahit-Sermona na naitatak […]