• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 testing backlogs sa PH, naipababa sa halos 1,700 – DOH

Masayang ibinalita ng Department of Health na naibaba na nila kasama ang iba pang accredited na COVID-19 laboratories ang testing backlogs sa mas mababa sa 2,000 sa kabila ng mga problemang kinahaharap.

 

“So we have a total of about 1,691 backlogs as of 6 p.m. yesterday,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing ngayong Martes.

 

Nagawa rin nilang maibaba ang total backlog sa Research Institute of Tropical Medicine, na may pinakamalaking kapasidad sa COVID-19 test, sa mas mababa sa 300 na lang.

 

Ayon kay Vergeire nang masira ang exhaust system ng negative pressure ng Western Visayas Medical Center ay nagkaroon ito ng backlog na 1,168 samples nitong weekend, ngunit naibaba rin sa 505 nitong Lunes.

 

Dagdag pa ito sa 353 backlogs mula sa RITM at iba pang backlogs sa 40 iba pang labs kun kaya umabot sa 1,691 ang total backlog nitong Lunes.

 

Samantala, pinapurihan naman ni Iloilo Rep. at dating Health Secretary Janette Garin ang bagong sistema ng Department of Health sa pagrereport ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19.

 

Aniya, ito ay mas accurate at transparent kumpara sa dating pag-uulat.

 

Ikinatuwa ni Garin ang pag-amin sa mga kakulangan at sinabing ang pagkategorya ng ‘fresh’ at ‘late’ cases ay makapagbibigay ng mas malinaw na larawan sa sitwasyon ng bansa.

 

“What we see now, the fresh and the late cases, is more accurate,” ani Garin sa CNN Philippines.

 

“It’s accurate because the figures that were being given to us before was not that accurate. Because some reported too late, others had incomplete information so they could not report it.”

 

“It’s actually being transparent, it’s admitting the faults done initially. It’s correcting the data so that strategists and people will understand the degree of infection,” dagdag pa nito.

Other News
  • Money laundering, sex trafficking ng ilang Chinese sa PH, isinalang sa hearing

    INUSISA ng mga senador ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pa dahil sa isyu ng pagpupuslit ng malaking halaga ng pera ng ilang Chinese.   Matatandaang sa privilege speech ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, ipinakita nito ang bulto-bultong pera […]

  • 2 wanted persons, timbog sa Valenzuela

    DALAWANG lalaki na listed bilang most wanted persons ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Valenzuela City.     Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., kumuha ng National Police Clearance si Ralph Joseph Alejandrino, 35 ng Brgy., Balangkas sa Valenzuela City Police Station sa […]

  • 2 kalaboso sa patalim at shabu sa Valenzuela

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Base sa report ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug […]