• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 tumaas ng 36 percent – DOH

PATULOY  ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,821 bagong kaso mula ­Disyembre 5 hanggang 11.

 

 

Ito ay mas mataas ng 36 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4.

 

 

Sa national COVID-18 case bulletin, nasa 260 na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo.

 

 

Sa mga bagong kaso, 13 ang may malubha at kritikal na karamdaman habang 13 na ang pumanaw, kabilang ang anim na naganap noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 11.

 

 

Noong Disyembre 10, 2023, mayroong 228 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital sa buong bansa dahil sa COVID-19.

 

 

Pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag ma­ging kampante sa banta ng COVID-19 at boluntaryong magsuot ng face mask para makaiwas maging sa ibang sakit.

Other News
  • Walang trabaho sa Pilipinas bumaba sa 1.18-M pero ‘job quality’ hindi gumanda

    BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pahgtatapos ng Nobyembre 2023, ayon sa gobyerno — pero nananatili ang parehong underemployment.     Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, naitala ang unemployment rate noong naturang buwan sa 3.6%.     “[This is] lower than the unemployment rates in November […]

  • Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics

    Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.     Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.     Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang […]

  • ‘OPLAN Kaluluwa’ ikinasa na ng PNP bago ang All Souls and All Saints Day

    PINAGANA na ng Philippine National Police (PNP) ang OPLAN kaluluwa kahit nasa pandemiya pa ang bansa.   Ito ay bahagi ng preemptive measure sa mga sementeryo na dinagsa na ng publiko bago ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.   Paliwanag ni PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan, hindi mapipigilan ang publiko sa pagdalaw sa […]