• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID active cases sa PH nasa pinakamataas na umaabot sa 27,754

NASA pinakamataas na bilang na ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umaabot sa 27, 754.

 

 

 

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong nadagdag na mga tinamaan ng virus na nasa 2,727.

 

 

 

Sa naturang bilang, ang mga bagong nahawa na 986 ay nagmula sa Metro Manila.

 

 

 

Ang nabanggit na bilang ng mga aktibong kaso o mga pasyente ang siyang pinakamataas mula noong April 10.

 

 

 

Lumalabas ngayon na ang tinatawag na positivity rate sa pagitan ng July 24 hanggang july 26 ay nasa 14.8 percent. Ito rin ang ikalawang sunod na linggo na ang dailay average ng mga kaso sa bansa ay nananatili sa mahigit na 2,000.

 

 

 

Batay pa sa datos noong nakaraang linggo nasa mahigit 19,000 ang bagong COVID cases sa bansa.

 

 

Lumalabas na tumaas ito ng 33 percent kumpara sa naunang mga linggo.

Other News
  • ‘Kailangan kayo ng bansa’

    HINIKAYAT  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magagaling na scientists, engineers at technical experts na bumalik sa bansa upang maibalik ang ga­ling ng Pilipinas.     Sa talumpati ng Pa­ngulo sa harap ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey, USA hinikayat niya ang mga matatalinong Filipino scientists na bumalik […]

  • Orbon, Tsukii, iba pang karateka di sasantuhin ang COVID-19

    WALANG paki sa novel coronavirus o COVID-19 sina Fil-Am Joan Orbon, foreign coach Okay Arpa at Fil-Jap Junna Tsukii, habang binabasa ninyo ito ay tapos na ang kanilang nilahukang United Arab Emirates World Karate Federation (WKF) Premier League sa Dubai sa Pebrero 14-16.   Mula sa Manila sina Orbon at Arpa na pumunta ng UAE […]

  • Ads January 13, 2020